|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
MASAKÍM ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =Colegio "LA JUVENTUD"= _Plan de Ensenanza adecuado al del Gobierno._ Bajo la direccion del Prof. =Perfecto del Rosario. MORIONES, TONDO.--MANILA= * * * * * =Estudios de Primary school, Intermediate y Secondary y Especiales de Peritaje Mercantil, Mecanico y Agrimensor. Reciben internos, medio-internos y externos.= * * * * * =Ang GAWAAN NG GUITARRA= _ni Pedro Buencamino. Calle Dulumbayan Blg. 139._ * * * * * Ay gumagawa ñg sarisaring instrumento de cuerdas at nagbibili ñg ibat ibang cuerdas sa mababang halaga. =Aklatang "HANTIK" ni J.D. Ampil at ka.= * * * * * =¡¡¡MASAKÍM!!!= sinulat ni =Andrés Pascual= UNANG PAGKALIMBAG =NAVOTAS, RIZAL. K.F 1910. Limbagan ni MANUEL MIRANDA= Daang San Jacinto Blg. 50 * * * * * ="LA UNION" SOMBRERERIA RELOJERIA AT PLATERIA Mga kasankapan ukol sa mga babae at lalaki; gaya ng Tsapin, Kuello, Punos, Korbata at iba pa. Aring tunay ng kalahi. A. RIVERA Rosario, blg. 81 Maynila K. P. May malaking pagbabawas sa pakiawan.= [Larawan] =I. SINO KA?= Hating gabi, madilim, ang m~ga dahon n~g halaman ay nan~gakayuko, ang m~ga ibon ay di man lamang humuhuni, sa m~ga hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na un~gol man lamang, ang m~ga ka-awa-awang mangagawá sa paghanap n~g ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nan~gagpapahin~galay, ang m~ga hapó at n~galáy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap n~g panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele n~g m~ga walang patlang at malalaking patak n~g ulan, n~gunit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman n~g gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat n~g isang bahay na may pangkaraniwang laki. Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala, noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag. Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig: --Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas. --Ako ... ang sagot naman. --Sinong ikaw? --Ako, ang iyong minamahal. --Peping! --Delang! --Bakit ka naparito? --Ayaw ka bang pumarito ako? --Hindi. N~gunit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong _clase_ kayo bukas? --Huag kang malakas magsalita at baka n~ga sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko n~g m~ga sariwang ala-ala. --Baka sila magising?.... --Hindi. Makaraan ang m~ga ilang mabayanad na yatiit n~g sahig ay nabuksan ang tabing n~g pinto at sa susun~gaw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na pan~ginoon n~g ibang m~ga bituin sa kaningnin~gan kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na n~g ating binata at nagyakap ang mag sing irog ¡kay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad n~g isá at isa ang nararapat ay nan~gagsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim n~g isang malabay na puno n~g _acacia_. --Kay tamis mong magmahal--ang pauna n~g binata. --At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman n~g ating binibini. Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at m~ga lan~gitn~git n~g sahig na muli ang narinig mulá sa itaas. --¡Nagising! ¡Nagising!--ang halos panabay n~g dalawa. Isinoot na dali dali n~g ating binata ang kaniyang _capote_ at nagkanlong sa puno n~g kahoy na nasa gawing likuran n~g kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag n~g m~ga mangyayari. Dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos n~g isang tanong na: "Saan ka nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy n~g umuwi at naghintay na lamang n~g kinaumagahan. =II.
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |