|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
RIZAL SA HARAP NG BAYAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =Si RIZAL sa HARAP n~g BAYAN= TALUMPATING BINIGKÁS SA LOOK N~G BAGUMBAYAN N~G BINIBINING =PILAR J. LAZARO HIPOLITO= Ika 30 n~g Diciembre n~g taong 1906 LIMBAGAN Daang Carriedo Bl.101 Ni, =FAJARDO AT KASAMA= =SI RIZAL SA HARAP N~G BAYAN= Talumpating Binigkas N~g Bb. Pilar J. Lázaro Hipolito Sa Look N~g Bagumbayan, Alang-alang Sa Ika Sampung Taón Nang Pagkakabaril Sa Ating Bayani. Bayan cong pinacaiirog: Ang unang pinasasalubun~gan n~g maligayang pagbati at pagpipitagan, sampu n~g lahat n~g m~ga napipisan, lalong lalo na ang m~ga ginoong bumubuo n~g pagpapaonlac sa caran~galán n~g dakilang Rizal na casalucuyang ipinagdidiwang n~g capuluang Filipinas, cayo'y hinahandugan n~gayon n~g di mabilang na pasasalamat, sanhi n~g pagcatanim sa kaibuturan n~g puso n~g araw na itong di co rin nililimot. Baga man culang pa sa tapat na cagulan~gan ang cutad na pag-iisip sa tungculing n~gayo'y ipinamahala, datapuwa, pinagtamanan cahit anong hirap, macatupad lamang sa adhica n~g m~ga capatid sa mabigat na pasaning aco'y maging isa sa magpapaonlac, sa pamamag-itan n~g bigcás, gayon sa pamimintuho sa Bayan cong kinamulatan. Cung ang pupulas sa labi sa oras na ito ay culang sa timyas, ang madlang nai-ipon na ang macatataroc n~g lalim n~g aking pagcapahat, n~guni magi-ging isang pamucaw, isang pagcantig sa pintuan n~g calooban, bagay sa caramihang nagwawacsi pa n~g tunay na damdamin at sumasampalataya sa hiduang aral n~g m~ga nagcucubling halimaw na nag aanyon mabait, bago'y caaway n~g cagalin~gan, na di pa nasiyahan sa tinalicdang pagtatamasa n~g m~ga cahirapan, cundi bagcus namamalagtas sa lalong pag-api at pagdustang nacalalagim sa isang hindi nan~gimi sa camatayan macapagbucás sa tulóg na loob n~g canyang cababayan, at naging mananacop n~g Filipinas sa paghahayin n~g buhay n~g icatutubós sa tanán, n~guni, ¡anong hapding salan~gin! ¡anong pait namnamin! cung madilidiling yuco sa dating caugalian ang pinaghabinlang ilán n~g canyang m~ga talinghaga. ¿Ibig ninyong makilala? ¡ah! wala acong carapatang tumurol at sucat na lamang ipatalastas ang nacapanghihilacbot na usapan n~g m~ga lahing Lacandula rin, upang man~gakilalang sila'y dapat pacasumpain, na anila'y: _Si Rizal ang tunay na may casalanan at nagcalat n~g caguluhan at cahirapang tinatangkilic n~gayon n~g Bayan_, m~ga pan~gun~gusap na di napag labanan n~g puso cong iwi at naramdamang lumuha n~g dugó, at naipucol naman tuloy ang wicang: _bakit hindi man~gatal at mapipi ang cumacatal n~g walang catotohanan_; datapua't n~g macapaghunos dili sa paglalatang n~g galit sa sumandaling iyon ay dagling binawi at pinapaghari ang capatawarang naisigao ang mahalagang bigcas n~g Póong si Jesús, n~g napapaco sa Cruz n~g casalanan: _Dios co sila'y patawarin mo sapagcat hindi nalalaman ang canilang guinagawa_ (Palacpacan). Talastas n~g lahat ang Bayan sinilan~gan n~g ating ipinag-gagalac n~gayon, iyang dacong sinisicatan n~g maliwanag na araw, na pinamumutictican n~g m~ga bagong silang na pagmamalasakit, diyan sa Calamba, niyong ika labing siyam n~g Junio n~g taong isang libo, walong daa't anim na pu't isa, sa macatuid, ganap na apat na pu't limang taon limang buan at labing isang araw n~gayon, at buhat naman n~g gupuin ang canyang iniin~gatang buhay n~g m~ga lihim na caaway, ay sampung taon n~gayon walang culang. Bakibaki-in m~ga napipisang caguinoohan cung anong tabác n~g mapanglupig ang lumagpac sa ulo n~g m~ga Bayaning nagsipagnasang humawi n~g m~ga calihimang mapagparusa, panaho'y tumatacas at tumatacbong matulin n~g wala pang ninicat na pag-asa, iyang pag-asang pag-aagawanan pa cung totoong mapa atin na. Siya'y hindi nalulupaypay cahiman nauumang sa bagsic n~g paratang, nagpatuloy sa layong pawang icagagaling natin, n~guni hindi kinilalang utang na loob n~g m~ga sumasamba sa capangyarihan n~g m~ga mapagbalat cayóng wari ay catulong bago'y tunay na calaban. Bahagya pang tumutuntong sa guhit n~g pagbibinata, ay nagpakilála na si Rizal n~g nacahahan~gang catalasan n~g pagiisip, caya't minarapat n~g magagandang pusong canyáng magulang na papag-aralin dito sa Maynila, at hindi naman nalaon at nagpamalas n~g catalinuhan, at sa catotohana'y lalabing tatlong taon pa lamang ang gulang ay sumulat at cumatha n~g melodramang tula, na pinamagatan n~g: _Junto al Pasig_, at saca isinunod ang _A la Juventud Filipina, El consejo de los Dioses_ at iba pang nacalulugod. Tayo naman, lalo
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |