welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

gutenberg

on Mar 21, 2007
Become a fan

Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal

0


BUHAY AT MGA GINAWA ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net Special thanks to Elmer Nocheseda for providing the material for this project. Para sa pagpapahalaga ng Panitikang Pilipino.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g. This work forms part of the Tagalog translation of Noli Me Tangere (1909) by Pascual Poblete which is being presented separately in this edition.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit. Ang kathang ito ni Pascual Poblete ay pasimula sa isinalin na Noli Me Tangere (1909) sa Tagalog na ibinukod sa edisyong ito.]

BUHAY AT M~GA GINAWÂ

NI

DR. JOSÉ RIZAL

NA SINULAT

NI

PASCUAL H. POBLETE

José Protasio Rizal Mercado

Maicling casaysan nang canyang buhay

Ipinan~ganac si Gat Jose Protasio Rizal Mercado, sa báyan n~g Calambâ, sacóp n~g lalawigang Laguna, n~g ikalabing siyam n~g Junio n~g taóng sanglibo walóng dáan animnapo't isá.

Si G. Francisco Rizal Mercado ang canyáng amá at si G. Teodora Alonso at Quintos ang canyáng iná.

Ipinan~ganac si G. Francisco Rizal Mercado at Alejandra n~g taóng 1811, sa Binyáng, Laguna, at namatáy sa Maynila n~g ica 5 n~g Enero n~g 1898, at si G. Teodora Alonso ay ipinan~ganac sa Meisic, sacóp n~g Tundó, Maynila, n~g taóng 1825 at nabubuhay hanga n~gayón (8 n~g Junio n~g 1909). Si G. Francisco Mercado ay nag-aral at marunong n~g wicang castila at wicang latín, at si G. Teodora Alonso ay nag-aral sa colegio n~g Santa Rosa at marunong n~g wicang castila.

Ang naguíng m~ga anác n~g mag-asawang ito'y si na guinoong Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucía, María, Concepción, Jose, Josefa, Trinidad at Soledad.

Bininyagan si Jose Rizal n~g araw n~g sábado, icadalawampo't dalawa n~g Junio n~g 1861. Si G. Rufino Collantes, páring clérigo at cura-párroco sa bayang Calambâ ang sa canyá'y nagbinyag, at si G. Pedro Casañas, páring clérigo at tubô sa Calambâ, ang sa canyá'y nag-anác sa binyág. Capowa namatáy na ang dalawang páring itó.

Pinan~galanang Jose, dahil sa ang iná n~g Doctor Rizal ay namimintacasi sa Patriarca San José, at ang pan~galawang pan~galang Protasio ay dahil sa caarawán n~g Santong itó, alinsunod sa calendario, n~g siyá'y ipan~ganác.

Hindi dating tagláy n~g amá at n~g m~ga capatíd n~g amá n~g ating Doctor ang apellidong Rizal. Pinasimulaang guinamit ang apellidong Rizal n~g mag-aral ang batang si Jose, upang siyá'y macaligtas sa mahigpit na pag uusig n~g m~ga fraile sa m~ga nag-aapellidong Mercado.

Wicang castila ang apellidong Rizal, na ang cahulugán sa wicang tagalog ay ang muling pag-supang ó pag-ulbós n~g pinutol na halaman ó damó. May isá pang cahulugán; ang lupang may pananím na anó mang damóng pacain sa m~ga háyop.

Pagdatíng sa icatlóng taón n~g gulang n~g musmós na si Jose Rizal ay tinuruan na siyá n~g canyáng amá't iná n~g pagbasa. Napagkilala n~g madla ang cagalin~gan niyáng tumulâ n~g wawalóng taón pa lamang ang canyáng gulang, dahil sa isáng marikít na tuláng canyáng kinat-hà, na tinakhán n~g lahát n~g m~ga manunulang tagalog sa lalawigang Silan~gan.[1]

[Larawan: =G. Francisco Rizal Mercado= Ama ng Dr. Jose Rizal. Imp de M. Fernández, Paz 447, Sta. Cruz.]

Sa pagcakilala n~g amá't iná ni Jose Rizal n~g catalasan n~g isip at malaking hilig n~g caniláng anác na itó sa pag-aaral, caniláng dinalá siya sa Maynila, itinirá sa isang bahay sa daang Cabildo, loob n~g Maynila; at ipinasoc n~g taóng 1871 sa Ateneo Municipal, na pinan~gangasiwaan n~g m~ga páring jesuita.

Nakilala ni Jose Rizal sa bahay ni pari Burgos si na pare Dandan, Lara at Mendoza na pawang dinakip at ipinatapon sa Marianas n~g gobierno n~g España, at gayon din si parì Gomez at si pari Zamora, na ipinabitay n~g Gobierno ring iyong casama si párì Burgos, na ang naguing sangcala'y ang panghihimagsic n~g m~ga manggagawâ sa Arsenal n~g Tan~guay n~g 1872. Sumasabudhì n~g madlâ ang m~ga calupitáng dito'y guinágawâ n~g m~ga panahóng iyón. Ipinabilángo, ipinatapon ó ipinabitay bawa't filipinong numiningning dahil sa tálas n~g isip at sa pagsasangalang sa m~ga catwiran n~g lupang kináguisnan. Ang m~ga nangyaring itó'y nalimbag sa damdamin n~g batang si Jose Rizal.

Lumipat itó n~g pagtirá sa Ateneo Municipal at n~g naroon na'y tila mandín lálo pang náragdagan ang canyáng sipag sa pag-aaral at cabaitang puspós n~g ugalì. Ang naguing maestro niyá'y ang m~ga jesuitang si parì Cándido Bech at si parì Francisco Sánchez.

Cung ipinamamanglaw n~g batang si Jose Rizal ang nakita niyáng pag-amis sa catwiran n~g canyang m~ga caláhì ay lalo n~g dinaramdam niyá, ang m~ga sabihanan n~g m~ga fraileng madalás niyang marinig sa Ateneo Municipal na di umano'y mataas ang caisipan n~g táong culay maputi cay sa táong culay caymanguí, madiláw, abóabó ó maitím, bagay na pinagpilitan niyáng siyasatin mulâ noon, cung totoo n~gâ, sapagca't inaacála niyáng lihís sa catowiran ang gayóng pagpapalagáy. Napagtalastas n~g madlâ ang ganitóng paghahacahácà ni Jose Rizal, dahil sa isáng casulatang inilathalà n~g pantás na si Herr Ferdinand Blumentritt sa icasampung tomo n~g _Internationales Archiv fiur Ethnographie_, n~g 1897, na ganitó ang saysay:

"Sinabi ni Rizal, na maliit pa siya'y malaki n~g totoo ang canyang pagdaramdam, dahil sa nakikita niyang sa canya'y pagpapawalang halagá n~g m~ga castilà, dáhil lámang sa siya'y _indio_[2]
/ 66 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos

Ang Liham ni Dr. Jose Rizal sa mga Kadalagahan sa Malolos, Bulakan

Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

Rizal sa Harap ng Bayan Talumpating Binigkas sa Look ng Bagumbayan

Si Rizal at ang mga Diwata Zarzuelang Tagalog na may Dalawang Yugto

Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Harin