12. You're a Consunji

65.3K 1.7K 205
                                    

“Why are you sneaking out?”

I almost leaped when I heard Luke’s voice behind me. I bit my lower lip. I can’t believe that he caught me. Lalabas sana ako because Julian was outside waiting for me. May usapan kasi kami ngayon. Sinasamantala lang namin iyong pagkakataon na wala si Sofia. Dahil sa oras na makabalik siya alam kong magkakagulo na. I sighed.

“I-I’m n-not sneaking out.” Bulong ko. Dahan-dahan akong humarap kay Lukas. He was wearing a white Sando and his cookie monster boxer shorts. Kunot na kunot ang noo ni Lukas habang nakatingin sa akin. May hawak siyang feeding bottle para siguro iyon kay Hera pero parang nakalimutan na niya na kailangan ni Hera ang feeding bottle niya.

“You’re wearing a dress, ganyan ka na matulog ngayon?” He smirked. Lukas was being sarcastic. Hindi siya ganoon sa akin. Kumunot ang noo ko.

“Wala na ba akong freedom umalis? It’s my life.” Sabi ko.

“Aalis ka?” He asked me. “Fine. I’ll take this to Apollo, magbibihis na rin ako. I’ll drive you. Pwede kang umalis pero dapat kasama mo ako.”

Hindi na ako nakahuma. Umakyat si Lukas sa itaas at hindi pa naglilipat ang sandali ay muli na siyang nakababa. Bihis na siya at dala niya ang susi ng kotse niya. He looked at me.

“Now, baby, where do you wanna go?”

My mouth fell open. Nakatitig lang sa akin si Lukas. He was actually waiting for my answer. I just shook my head.

“Ayoko nang umalis. Nakakainis kasi.” Sabi ko na lang. Nilagpasan ko si Lukas. Muli akong umakyat sa hagdan at saka tumakbo papasok sa kwarto ko. I locked the door and stood behind it. Pinapakiramdam ko si Lukas, maya-maya ay nakarinig ako ng mga yabag, after noon, may sumarang pinto. Huminga ako nang malalim nang mawala na ang mga yabag na iyon. I turned to my window.

Kapag lumabas ako ng pinto, maririnig ni Lukas ang footsteps ko, so kailangan kong dumaan sa ibang labasan. Wala namang ibang lalabasan kundi ang window ko. Kumuha na lang ako ng mga blanket at pinagbuhol iyon. I may look desperate pero kailangan ko talagang makita si Julian. Hindi na nga kami natuloy kahapon dahil may biglaang meeting siya with the Thai investors, hindi na ako papayag na hindi kami magkita ngayon.

Napabuntong hininga ako pagkababa ko mula sa window ng kwarto ko. Hindi naman kataasan iyon pero hinihingal pa rin ako. Noong nasa San Miguel kami, hirap na kaming magkita pero ngayon na pareho kaming nasa siyudad, mas hirap pa kaming magkita. Hirap kami dahil sa schedule niya at kay Sofia pero mas hirap ako kay Lukas.

Nitong mga nakaraang araw, he’s starting to get into my nerves na. Parati na siyang nagtatanon – one time I caught him looking at my phone. Buti na lang may pattern iyon at hindi niya nabuksan. It’s the first time he’s snooping around my things and that scares me, isa lang kasi ang ibig sabihin noon – nakakaramdam si Lukas na may itinatago akong kalokohan.

I was half running to the gate, nasa gitna na ako ng pathway nang harangin ako ng isang bodyguard.

“Miss Consunji, saan po kayo pupunta?” Nakangiting tanong niya sa akin. I bit my lower lip. Nakalimutan ko na napapaligiran nga pala ng security ang buong bahay.

“Wala. Bakit ka nakikialam?” Pagtataray ko. “Get out of my way or I’ll fire you.”

Napakamot siya ng ulo. “Pero, Miss…”

“Ano may reklamo ka?” Naiinis na tanong ko. Wala siyang nagawa kundi ang palagpasin ako. Nang makarating naman ako sa gate ganoon din ang nangyari – kung hindi ko pa tinarayan iyong guard hindi rin ako makakalabas.

She will be loved (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon