welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

gutenberg

on Mar 21, 2007
Become a fan

Kasaysayan ng Katotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia

1


KASAYSAYAN NG KATOTOHANANG ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team at http://www.pgdp.net

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

CASAYSAYAN

ng

CATOTOHANANG BUHAY

ng

Haring Clodeveo

_AT_

Reyna Clotilde

_SA REYNO NANG FRANCIA NA TINULA SA LUBOS NA CATIAGAAN NI_

CLETO R. IGNACIO

_Concepcion, Malabon, Rizal_.

* * * * *

_SIPI SA TUNAY NA HISTORIA_

=1917=

IMPRENTA, LIBRERIA Y PAPELERIA DE P. SAYO Vde. DE SORIANO Rosario 225. Plaza del Conde 1003 y Azcarraga 552, Tondo

Manila, I.F.

=PAUNAUA=

_Manga maguiliuing puso sa pagbasa nang catotohanang hanay nang historia, dito'y lubos ninyong mapag-kikilala ang cay Clodoveong buhay na talaga._

_Niyong unang siya ay di pa cristiano ay Clovis ang tauag sa pangalang moro, nang binyagan siya'y naguing Clodoveo at Reyna Clotilde ang asaua nito._

_Siya'y isang tangi cung sa cabaitan at ulran naman cung sa cahinhinan, nang tanang babae, nang casalucuyang siya ay dalaga't nang mag-asaua man._

_Caya cailangang pacatatastasin yaong buhay niya't nang iyong malining, mulang puno't dulo'y iyong pasayurin at nang upang iyong matantong magaling._

_Hangang dito aco't ang bahala'y icaw sa tula cong hamac na pinag-inutan, sa dahop cong cayang hinimalay lamang na butil, nang manga nalagas sa uhay._

=Simula nang buhay=

* * * * *

Taong isang daan ualungpu at apat mula nang manaog ang Poong Mesias, sa Reyno nang Francia ay noon tumangap si Clovis nang pagca Haring napatanyag.

Nang panahong yao'y ang Reyno n~g Francia ay hindi cristiano at man~ga gentil pa, si Clovis ang siyang nagbinyagang una't sa Dios ay siyang unang cumilala.

Sa panahong yao'y ang Borgoa nama'y man~ga cristianong tumangap nang aral, nang man~ga Apostol ni Cristong hinirang na nagsilaganap sa sangsinucuban.

Noon ay ang Hari namang sinusunod na namamahala ay si Agabundos, at ang bunso niyang capatid na irog ay yaong Infante na si Hispericos.

Ang bunying Infante ay nagca-asaua nang isang Duquesa na si Aprodicia, dalauang babayeng naguing Anc nila na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda.

Mabunying Infante Estatira bilang n~galan nang canilang Anc na pan~ganay, ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman sa Reynong Borgoa'y tan~ging cagandahan.

Bucod sa caniyang cagandahang angkin ay nahiyasan pa nang bait at hinhin, at nang cabanalang pagca-masintahin sa Dios na Poon at sa Inng Virgen.

Sa araw at gabi ay di sumasala nang pananalan~gin sa Dios na Am, at sa Inng Virge't sa touing umaga'y pilit guinaganap yaong pagsisimba.

Madalas ding siya ay nag-cocompisal at tuloy ring siya ay nakikinabang, lubos na caniyang pinag-iin~gatan ang pagca-babaeng loob nang maycapal.

At bagamang cahit magcapatid sila ang caugalia'y di nag-cacaisa, ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na ay ang cagalin~gan niyong caluloua.

Siya'y di gumamit magpacaylan man niyong pananamit na lubhang marin~gal. tunay na caniyang kinasusuclaman yaong masasaguang man~ga cagayacan.

Caya n~ga at naguing casabihan siya sa ugali't kilos tan~gi pa sa ganda, anopa't marami ang naliligaya bakit n~ga sa duc-ha ay malimusin pa.

Doon na Borgoa'y isang araw naman nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan. caya n~ga ang Hari at caguinoohan ay dumalo't sampong taong caramihan.

Para-para silang nakinig nang Misa sampon nang Infanteng Hispericos bag doon sa Simbaha'y napipisan sila at nananalan~gin sa Dios na Am.

Ginagamit nila ang boong pag-galang at lubhang malabis na pagpipitagan, at sila ay doon nakikipanayam sa Dios na Haring macapangyarihan.

Isa ang Infante na si Hispericos na capatid niyong Haring Agabundos, sa tanang guinoo siya ay calahoc nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios.

Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y si Hispericos at isang concejero, sila'y nag-uusap na nakita dito nang Hari, ay tantong galit ay sumub.

Caya't nang matapos ang mahal na Misa sa palaciong lahat nan~gagtuloy sila, tinanong nang Hari noon din pagdaca dalauang nag-usap niyong nagsisimba.

Saad sa canila nang Haring maran~gal na sikip sa pus yaong cagalitan, bakit at di bag ninyo nalalaman na yaong Simbaha'y laang dalan~ginan.

Tayo'y nan~gaglacbay doon at ang dahil sa Dios na Poon ay mananalan~gin, batid ninyong Dios ang caharap natin bakit pag-uusap ang inyong gagauin.

Ipinalalagay ni
/ 21 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Harin

Sa Tabi ng Bangin Kasaysayan Tagalog

Ang Tunay na Buhay ni P. Dr. Jose Burgos

Buhay at Mga Ginawa ni Dr. Jose Rizal

Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

kambal sa buhay

Justicia Nang Dios