|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
CINEMATOGRAFO ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad, Pilar Somoza and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] DULANG TAGALOG Mga Dula ni JOSE MARIA RIVERA. ¡¡CINEMATOGRAFO ...!! DULANG TAGALOG na may Isang Yugto at Dalawang Kuwadro Katha ni JOSE MARIA RIVERA Tugtugin ni Mtro. GAVINO CARLUEN Itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg Gran Compañia de Zarzuela Tagala ni G. Severino Reyes, noong ika 1 ñg Junio ñg taong 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri. Imp. ILAGAN y Cia., 775 J. Luna, Tondo., Tel. 8536. ¡¡¡CINEMATOGRAFO ...!!! DULANG TAGALOG na may Isang Yugto, at Dalawang Kuwadro. Tugma ni JOSÉ MARIA RIVERA Tugtugin ni _Mtro. GAVINO CARLUEN._ MAYNILA 1920 Imp. ILAGAN y Cia,. 775 J. Luna, Tondo. Tel 8336 ALAY: Sa mga tapat at matalik na kaibigang _José E. Canseco, Salvador Kabigting at Ramón Farolan_. Boong puso, ANG KUMATHA. MGA TAO NG DULANG ITO. TIBURCIO............G. Eusebio Gabriel BALTAZARA...........Gg. Felisa Buenaventura ANGELING............Bb. Juanita Angeles LUISITONG Makaw.....G. Alfredo Ratia BRUNO...............G. Joaquin Gavino MARTINA.............Gg. Ildefonsa Alianza TIO BESTRE..........G. Eusebio Constantino TIA MARTINA.........Gg. Antonia del Rosario MATEA...............Bb. Natividad Nonato BETENG..............G. Gregorio L. Lopez MARCOS..............G. Pedro Mariano PELI................Batang Fortunato Rafael PULIS...............G. José Suarez TENDERA.............Gg. Mercedes Nonato Koro n~g Lalake at Babae. * * * * * PANAHONG PINANGYARIHAN: Kasalukuyan. * * * * * _Ang dulang ito ay itinanghal ñg kaunaunahan sa Dulaang Rizal ñg =Gran Compania de Zarzuela Tagala= ñg dramaturgong Severino Reyes, noong ika 1.o ñg Hunyo ñg 1918, at nagkamit ñg di kakaunting papuri_. UNANG KUWADRO. =¡¡SUKAT NA ANG CINE....!!= =BUGTONG NA YUGTO= Kabuoan ng isang bahay na may mainam na mga palamuti. Pinto sa gitna ng kabahayan na naghahatid sa ibang mga banghay ng bahay.--Dalawang bintana sa siping ng pintuan.--Sa kanan at kaliwa, ay mga silid na hindi mangyayaring makita ng mga nanonood.--Hapon. Pag-aañgat ng Tabing, ay makikita si D. TIBURCIO na, nakaupo sa isang tabureteng mesedora, at bumabasa ng isang pahayagan. _Tagpo I._ =Si D. TIBURCIO lamang=. D. Tib:--¡Sussssssss....! Sa lahat n~g araw na isinasal n~g init, ay lumabis naman ang araw na ito. At, sa kalabisan, ay kaunti, na tuloy akong masagasaan n~g trambya, dahil sa hilong umabot sa akin. (Saglit na hihinto.) Salamat na lamang, at ang nangyare sa akin ay nakita pala n~g isang mahabagin, at kung hindi ... marahil ay kinidlatan na ako! (Hihinto) Talaga na yatang ang Maynilang ito, ay magiging sa m~ga man~gan~galakal na lamang! Diwa'y ang Maynilang ito'y magiging tahanan na lamang n~g m~ga taong mapuputi, dahil na ... munting kibot, ang m~ga makapangyarihan ay nagtatakda n~g m~ga kautusang.... halos ay makalunod na sa m~ga mahihirap. At, kung sakali namang, ang isa ay nakaririwasa; may bahay na sarile, walang patid namang utos ang ibibigay. Nariyan ang kailan~gang papintahan umano ang bahay o kaya'y palagyan n~g gayon o ganitong m~ga ... ¡Sussssssss ...na buhay n~g buhay na ito!! (Hihinto n~g matagal) Ang araw na magamit n~g patuluyan ang "aeroplano", ay bibile ako agad, n~g upang maligtas na lamang sa m~ga ganyang kautusan. Kung sa himpapawid na ba ako nagtitira, ay ano pang amillaramiento ang babayaran, ni bahay na papipintahan pa o kaya'y uupahang "ventilador"? N~guni't, ipagpatuloy ko n~ga ang pagbasa sa pahayagang ito, at n~g matalos ang m~ga balitang dala niya. (Muling babasahin ang pahayagang tan~gan: Babasa) "Sakaling sa loob n~g pitong taon, ay maipakita n~g Bayang Pilipino ang kaniyang kakayahan sa pagsasarile, ay ipagkakaloob sa kaniya n~g bayang Amerikano ang ganap na paglaya." (Hihinto.) ¡Salamat sa Dios, at kung papalarin ang bill na ito ni Mr. Jones, ay makikita ko pa ang paglaya n~g Pilipinas! ¡Maanong totohanin na ang pan~gakong ito n~g Bayang Amerika! (Titigil sumandali, at pagkatapos ay mapapalundag: Babasahin) "Pangkat n~g m~ga nakawan". ¿Pangkat n~g m~ga nakawan? ¿Di yata? (Babasahin) "Kagabing magiik
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |