Apartment

438K 8.4K 1.8K
                                    

Naimulat ko ang aking paningin sa lakas nang businang gumising sa aking pagkakahimbing. Tumingin ako sa kaliwa ko at saka napabuntong-hininga. Nakatulog pala ako sa biyhae habang nagda-drive si mama at sa kotse namin nagmula ang busina.

"Nakakainis naman 'tong sasakyan na 'to--bakit ba ayaw niya pang umandar?!" inis na singhal ni Mama habang lilinga-linga pang nakatingin sa sasakyang nasa unahan namin. Hindi naman ako nagsalita at kukusot-kusot ang mga matang pinagmasdan nalang ang nasa harapan.

Inulit ni mama ang pagbusina pero hindi pa rin gumalaw ang sasakyang nasa unahan. Nagmaniobra siya at bahagyang pinatakbo upang makatabi ang kabilang kotse, binuksan ni mama ang bintana sa tabi ko 'tsaka bahagyang tumunghay. "Ano ba? Hindi niyo ba iniisip ang sasakyan sa likuran ninyo?" sigaw niya pa sa mga ito.

Napapahiya kong nilingon ang katabing sasakyan, isang matandang lalaki ang naro'n. Sinikap kong tingnan ang nakaupo sa passenger's seat pero hindi ko iyon lubos na makita.

"Ano ba, Maverick? Tumabi ka nga! Nakita mo nang kinakausap ko, eh!" singhal pa sa 'kin ng aking ina, sumandal ako sa kinauupuan para mas makita niya ang mga ito.

Hindi ako huminto sa kasisilip sa matanda, baka 'kako may kung anong nangyari rito kaya hindi makapagsalita. Hindi ko naman makita ang katabi niya ngunit nasisiguro kong babae iyon. Abala ang matanda sa pag-aasikaso marahil sa kaniyang seatbelt.

"Sa susunod ho, eh, mag-signal naman kayo kung tatabi o hihinto kayo! At huwag ho kayong gumitna!" muling pasigaw na sabi ni mama 'tsaka pinaharurot palayo ang sasakyan.

"Ano ka ba naman, 'Ma? Nakita mo nang matanda 'yong nagmamaneho ro'n," sinikap kong 'wag ipahalata ang inis.

"'Ayan! Isa ka pa! Sinabi ko naman sa iyo na ang patakaran sa kalsada ay kailangang sundin kung ayaw mong makaabala sa iba! Huminto siya sa mismong gitna! Pwede naman siyang mag-signal na tatabi siya! Para ke pang inimbento ang signal sa mga kotse kung hindi niya rin lang naman gagamitin?"

"Sige na, sige na," isinuko ko ang pareho kong kamay. "Hindi naman ako mananalo sa 'yo," nakangiwing sabi ko, inirapan lang niya ako.

Close kaming mag-ina, para na lang nga kaming magkapatid. Anak niya ako sa pagkadalaga kaya naman iilang taon lang din ang tanda niya sa 'kin. 14 years old siya nang ipanganak ako, 16 years old naman na ako ngayon. Isip-bata pa rin siya hanggang ngayon kaya madalas kaming magtalo pero mas madalas na magkasundo.

Kasalukuyan kaming papunta sa bagong bahay na lilipatan namin. Hindi niya na naman kasi nakasundo 'yong landlord sa dati namin inuupahan kaya kailangan na naman naming lumipat. Sanay na ako nang palipat-lipat kami ng bahay pero paulit-ulit ko na lang ding hinihiling na ang susunod naming lilipatan ay ang huling titirhan namin.

Sa isang kilalang call center company nagtatrabaho si mama, kung saan-saang public schools naman ako nag-aaral. Hindi naging madali para sa 'ming pareho dahil bukod sa palipat-lipat ako, palayo naman siya nang palayo sa pinapasukang trabaho. Pero kailangan naming magtiis dahil wala naman kaming sariling at umaasa lang kaming parati sa apartments. Hindi pa kaya ni mama ang bumili ng sarili namin bahay kaya pareho kaming nagtitiis. Sa t'wing sabay kaming mangangarap ay bahay ang pareho naming unang pinaplanong makamit.

"Malapit na tayo, Maverick. 'Wag ka nang tutulog-tulog pa diyan at baka pahirapan mo pa ako sa paggising sa 'yo," aniya na nasa daan ang paningi.

Lilinga-linga naman akong nagtingin-tingin sa daan, napakaraming puno at wala masiyadong tao sa gawing 'yon. "Nasa lungsod pa ba tayo, 'Ma?" natatawa kong tanong.

"Oo naman!"

"Parang nasa Elm's Street na tayo, ah? Hahahaha!"

"Psh! Wag kang maingay diyan at baka lumampas tayo!"

MAXINEJIJI'S ONE SHOT COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon