|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
SA ANO NABUBUHAY ANG TAO ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and Distributed Proofreaders. Para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino. [Transcriber's note: Mistakes in the original published work has been retained in this edition.] [Paalala ng nagsalin: Hinayaang manatili sa edisyong ito ang mga pagkakamali sa orihinal na pagkakalimbag.] Sa Ano Nabubuhay Ang Tao I KATHANG-SALAYSAY NG KONDE LEON TOLSTOY NA NASALIN SA WIKANG KASTILA AT ISINALIN NAMAN SA TAGALOG NI SOFRONIO G. CALDERON Ikaw ay yumaon ... at malalaman mo: I. Ang sumasatao; II. Ang hindi ipinabatid sa tao; at III. Ang bumubuhay sa tao. M. COLCOL & Co. _Publisher_ 878 Rizal Avenue, Manila SA ANO NABUBUHAY ANG TAO I Isang magsasapatos ay nananahanan sa isang nayon na kasama ang kanyang asawa't anak. Sila'y nakatira sa bahay ng isang _mujik_ (may pagawaan ng sapatos), sapagka't sila'y walang bahay o lupa man at bahagya nang makakita ng kanilang maipagtatawid-buhay. Ang tinapay ay mahal, at may kahirapan ang panahon; kung gaano ang makita niya ay kanilang pinagkakasiya, siya'y walang anumang tinatangkilik at ang kanyang asawa'y wala kundi iisang chuba[1] na totoong luma na. May ilan nang taong naghahanap ng salapi ang magsasapatos upang maibili ng mga balat ng tupa at ng kanyang magawang bagong _chuba_ o pambalabal. Ng panahong tagulan ay nakatipon ng kaunti, ng tatlong _rublo_ na kanyang naingatan sa sisidlan ng kanyang _baba_ (asawa). Sa kapit nayon ay may nagkakautang sa kanya ng limang rublo at dalawang pung _kopek_ [3]. Isang umaga ay pinasiyahan ng magsasapatos na maghanap ng mga katad. Nagbihis, nagkubong sa ulo ng isang panyo, isinilid sa bulsa ang tatlong _rublo_, kinuha ang kanyang tungkod at pagkatapos na makapag-agahan ay yumaon. Sisingilin ko sa _muhik_ ang limang _rublo_,--aniya,--idaragdag ko rito sa tatlo, saka ko ibibili ng mga katad na magagawang _chuba_. Pagsapit sa kanyang sinadyang nayon ay tinungo ang bahay ng _muhik_. Ang _muhik_ ay nakaalis na: at ipinangako na lamang ng _baba_ na sa linggo ring yaon ay dadalhin ng kanyang asawa ang kuwarta, nguni't walang ibinigay. Sa ibang bahay ay ipinagtapat sa kanya na walang maibabayad, kundi dalawang _kopek_ muna. Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. Bayaran mo ako,--ang sabi sa kanya,--at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil. Hindi nga nangyari ang panukala ng mag-sasapatos; wala naman siyang dala, liban na sa dalawampung _kopek_ na kanyang nasingil sa pagtatagpi ng isang _valenki_[1] na sa kanya'y ipinagawa. Sa sama ng kanyang loob ay napasa isang tindahan ng alak at iniinom ang kanyang dalawampung _kopek_ saka yumaong walang dalang katad. Ng umagang yaon ay di siya nakaramdam ng ginaw at subali ay nainitan pa, dahil sa pagkainom ng alak. Sa kalasingan ay tignan ninyo at pinaiikot ang tungkod at isinasaksak sa mga dakong pinamumuuan ng tubig; natutuwa at pinapipihitpihit sa kanyang mga kamay ang mga _valenki_; at nagsasalita ng ganito: Wala man akong chuba o balabal ay naiinitan ako, sapagka't tumungga ako ng kaunting alak; ang tiyan ko'y busog sa alak; anupang ipangangailangang ko ng isang balabal na pampainit? Nilimot ko ang aking karalitaan; ako'y isang tao lamang; walang kabuluhan sa akin ang lahat. Ako'y makapamumuhay na maigi ng walang balabal; hindi na ako gagamit niyan kailanman. Ngunit totoong daramdamin ng aking asawa at may matwid. Ipinaghahanap-buhay namin ang mga _mujik_, pakinabangan nawa nila ang aming kapaguran. Teka! Di mo ako dinalhan ng kuwarta. Maraming salamat! May Diyos! Sulong ..." Ganyan ang pagbabayad ng dalawampung _kopek_ lamang. Anong mapapakinabang sa dalawampung _kopek_? Itungga ng alak at wala na. Saka sasabihing "Ang hirap!" Aha, aha! Ang hirap ko nga? Ikaw ay may bahay, may hayop at lahat ng kailangan, at ako'y walang anuman. Ikaw ay may kinakaing bunga ng iyong lupa, at ako upang kumain ay kailangang bumili; kailangan ko'y tatlong _rublo_ sa bawa't sanlinggo; kung dumating ako sa bahay ay wala nang pagkain at maggugugol pa ako uli ng isang _rublo't_ kalahati. Pagbayaran mo nga ako ng iyong utang. Papaganito ang kanyang anyo hanggang sa nakarating sa tabi ng isang simbahan, at may namataan sa likuran nuon na wari maputi. Gumagabi na at ang magsasapatos ay nagkantitignan. Anong naroon? Wala namang batong maputi. Baka ba kaya, yaon? Hindi, hindi mandin baka. Ayon sa ulo ay tila isang tao; nguni't bakit maputi? At bakit magkakatao
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |