Bet Your Heart ♡ Chapter 1

153K 925 127
                                    

Chapter One

Lianne's POV

What if... ma-in love ang isang playgirl na katulad ko?

'Tapos, hindi in love sa akin 'yong taong mahal ko. That would be so sad, 'di ba? And I am so maarte umpisa pa lang ng story ko! Mabuti na lang maganda ako.

I pouted with those thoughts of mine. But then, I continued thinking about being in love and being hurt by the one I love.

'Tapos, paglalaruan at lolokohin niya ako katulad ng ginawa ko sa mga naging boyfriend ko noon.

'Tapos, iiwanan niya rin ako.

Napahawak ako sa dibdib ko na parang nasaktan sa bagay na naisip ko.

'Tapos, maghahabol ako sa kanya na parang timang.

Napahawak naman ako sa ulo ko na parang nababaliw.

'Tapos, siya... tuwang-tuwa sa paghahabol ko sa kanya.

Nag-pout pa ako lalo and I really tried my best para makaramdam ng sakit kahit sa imagination lang.

'Tapos, ako... iniiyakan siya.

'Tapo—!

"Hoy, Lianne!"

"Ay, lecheng lalaki!" naibulalas ko sa pagkagulat. Muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko.

Lintek! Ang pangarap ko ay mahulog sa isang lalake. Hindi ang mahulog mula sa upuan! At sino bang nilalang ang sumisira sa pag-i-internalize ko?!

Paglingon ko ay nakita ko si Renz na papalapit sa puwesto ko. Best friend ko na siya since the day I was conceived in my mother's womb. Ewan ko nga kung paano ko siya naging best friend. Samantalang palagi kaming magkasalungat sa madaming bagay. Madalas din kaming nagbabangayan kahit simpleng bagay lang naman ang issue. Palagi pa niya akong inaasar. Lahat ng ayaw ko ay ginagawa niya para lang inisin ako. Pati nga mga nagiging boyfriend ko ay nilalait-lait niya na akala mo kung sino siyang napaka guwapong lalaki!

Okay, sige guwapo naman talaga siya. Pero ewan ko talaga kung bakit sa lahat ng tao sa Pilipinas ay siya pa ang naging best friend ko at ako ang naging best friend niya.

Tsk! Pareho pa namang malakas ang topak namin. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng Pilipinas, 'di ba? Mabuti na lang talaga, maganda ako, period.

"Ano na? Aalis na tayo, nakatunganga ka pa r'yan!" bulyaw niya sa akin pagkalapit na pagkalapit niya sa puwesto ko.

Ano ba naman 'yan?! Panira ng moment! Bumi-best actress pa nga ako sa pag-e-emote!

Pupunta kami ngayon sa Boracay with our families. Magkaibigan ang mga parents namin since high school, kaya hayan... lumaki kami ni Renz at ng kuya niyang si Mark na magkakasama. At mukhang pati sa pagtanda, magkakasama pa din kami. Paanong hindi? Eh, magkatabi lang ang mga bahay namin. Kulang na nga lang ipa-renovate ang mga bahay namin para gawing iisa at maging one big happy family kami.

Nakasimangot akong tumayo mula sa kinauupuan ko at hindi ko siya pinansin. Diretso akong naglakad papunta sa van na sasakyan namin at nilagpasan ko lang siya.

"Uy! Hintay naman, Best!" habol naman niya sa akin.

"Bilisan mo naman kasi! Ang bagal-bagal mo!" hindi lumilingong sabi ko sa kanya na may kasama pang pagwasiwas ng kamay sa ere. At siya pa talaga ang sinabihan ko ng mabagal ngayon, samantalang ako itong sinundo niya sa garden namin.

Kasi naman... nakakaasar! Panira talaga siya ng moment! Nangangarap pa nga akong ma-in love at maloko, eh! Paiyak na din sana ako kanina. Sayang talaga ang emote ko!

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon