|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
ANG KATIPUNAN ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANG KATIPUNAN ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI TUGMA NA SINULAT NI Gabriel Beato Francisco Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896 ICATLONG CASULATAN MAYNILA Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo. 1899. =Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental= Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay, Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque, Sampalok. * * * * * Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang ANG KAPATID NANG BAYAN. =UNANG BAHAGUI= Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan nang cahoy na lanca sa may mga buga at bagin na sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may lansagan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang _CANTO NACIONAL FILIPINO_. * * * * * =Msica.= Ina naming Filipinas sa sandaigdiga'y hayag, ang cayaman at dilag ualang sucat macatulad. Iyo namang caanacan lahing sadya cung sa tapang, di natatacot mamatay at marunong magsangalang. Caya cayo lilo't tacsil na castilang sinugaling, dapat bayaran sa amin inyong mga pag alipin. Lalo ang mga sucaban na fraileng tampalasan, gayon ay capanahunang magbayad sa mga utang. Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca paguiguitna ang calahatan. =Hablado.= Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idng at ilang mangluluas ng gulay, na umaauit hangang tumatacbo. UNANG DIGMA Sila rin JOSEFO.--Hali ... mga ale!... LUSINO.--Dal ... mamang cun!... KALINT.--Magsihimpil cayo!... (_ang katipunan ay naguupuan sa lilim ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay nagtindigan_) --cami'y balitaan!... mayroong sundalo cayong nadaanan nacasabay caya caya'y nasundan?... TOMASA.--Uala po!... (_gulat._) JOSEFO.--Uala! (_uurong at bubunutin ang sundang_). TOMASA.--(_gulat_)--Uala po!... JOSEFO.--(_magara_)--Uala baga sa boong paglacad cayong naquiquita. (_hahakbang_ ...) TOMASA.--Uala po!... IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) JOSEFO.--!Maguing sa Barranc at mga pilipil na daanan nila!... TOMASA.--Uala po!... IDENG.--Uala po!... (_gulat na gulat_) JOSEFO.--(_paiquit_)--Cun gayo'y caigat yaong mga lilo, tacsil, buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac. TOMASA.--Ina co! JOSEFO.--Icao ay inan at na paina!... LUSINO.--- Magsilacad cayo at huag magamba at hindi aanhin naming magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya. TOMASA.--Cun gayo'y salamat!... IDENG.--Cami po'y paalam!... LUSINO.--Dios ang mag-in~gat sa boong lansagan. (_Lalayo ng caunti_) JOSEFO.--Catoto!... catoto!... sabihing maghintay at tayo'y humigi ng canin at ulam. LUSING.--Mga aling cuan!... magag hintay cayo!... KALINT.--Dulugu.... LUSINO. (_lalapit_)--Ibab ... sunong na bilao at cami'y iuanan ng itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo. TOMASA. (_Ibababa_)--Cayo po'y cumuha KALINT.--Iuan na ang lahat. LUSINO.--Huag baga naman at cahabag-habag (_sa cay Tomasa_) --Ito'y quilala co na maraming anac (_sa cay Ideng_) --Si comare naman ay may amang bulag. JOSEFO. (_Cucuha sa bilao_)--Maraming salamat!... salamat sa inyo!... TOMASA.--Cami'y lalacad na. KALINT.--Magag tuling cayo. (_Muling lalacad ang mga manglalac._) ICALAUANG DIGMA Josefo at Lusino. JOSEFO.--Hindi nauucol cagino mang tauo balamin ang duk-hang may laco sa ulo. LUSINO--Ano ang gagauin!... tayo nama'y uala ualang maibili at ualang masila uala naman tayong sucat na magaua sa mga mayamang lubhang masagana. Caya ang marapat ating pagtiimin bagang at panigbi na nagcacadiin ang gauang masama na masamang gauin ay ipaquibilang sa gauang magaling. Yamang na rito na sa gals at gulod na guinagalaan mailap na hayop ang ating catauang sa palad ay capus at hindi na mulat sa gubat at bundoc. At cun tayo naman ay magpapabaya sa lagay na yari na caaba-aba ating tatamuhin sa guinala-gala lasapin ang dalo'y malamig na luha. At sa abang anyo di co acalain matuyo ang dam na lagui sa lilim uala namang inot, usala namang cusim at ualang masabing nag gauad hilahil. Liban sa nangyaring aco ay natacot sa uns ng bagyong nacaquiquilabot caya sumaisip na bago macurot pailanlang muna sa patoc ng bundoc. At cung naacalang tutubo sa cutad ang
|
|
||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |