welcome!  login | sign up   Facebook Connect
 
Read what you like. Share what you write.

Posted by

gutenberg

on Mar 21, 2007
Become a fan

Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin

0


NOVENA SA MALOUALHATING ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

NOVENA

SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR

AT ILAO NANG SANTA IGLESIA

NA SI

=SAN AGUSTÍN=

DATI NANG LIMBAG

SA UICANG CASTILA, AY TINAGALOG NANG

P. PREDICADOR

FR. JUAN SERRANO,

SA ORDEN NITO RING MABUNYI AT MARILAG NA AMA

GUADALUPE

Pequeña imp. del Asilo de huérfanos.

1887

[Larawan: San Agustín]

NOVENA

SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO

NANG SANTA IGLESIA NA SI

=SAN AGUSTÍN=.

Sa Amang ualang pinagmulan, sa Anac niyang bugtong, sa Espíritu Santong mangaalio, iisang Dios at tatlong Personas.

Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agustíng na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Espíritu Santo ang sinta; ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang si san Agustín. Ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang capangyariha,t, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa Iglesia ang lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan sa sangcacristianohan. Hayag naman ang caniyang carunun~gan at ang baquit siya,i, águila nang man~ga Doctor, ay lungmipad pa naman siyang nagpacataas-taas, na nangyari niyang siniyasat at inonaua ang cataastaasan at calihim-lihimang misterio nang Santísima Trinidad, nang mangyaring malipol ang lahat nang man~ga camaliang linalang nang man~ga erejes laban dito sa Misteriong ito.

N~guni ¿saan di? Palibhasa,i, naquinabang siya sa Dios Ama nang capangyarihan, sa caniyang bugtong na Anac nang caniyang carunun~gan, at ang Dios Espíritu Santo nama,i, nagcaloob at naghulog sa caniyang puso nang caniyang sinta; si san Agustíng din ang nagbigay pagcatotoo nito; na ganito n~ga ang marahil niyang uiniuica sa Pan~ginoon Dios: _Cun ga icao_, aniya, _Pan~ginoon co ay si Agustino, at ga ang Dios na ay aco, iiuang co ang pagca Dios co, at ibibigay co sa iyo,t, nang icao ang maguing Dios co_. Sí, sapagca palad co aya, cun aco,i, maguing dapat magcamit nang gagaduplis man lamang na quidlat nang gayong sinta, na icapaglathala nang pananampalataya, manin~gas na pan~gayupapang pagcauili at maliyag na pagbunyi dito sa casanto-santosan at canin~gasnin~gas na Trinidad.

Sa iyo n~ga, ¡aba Trinidad Santísima! iniaalay at inihahayin nang totoong pananaguisuyu,t, pagpapacababa at tunay na pan~gan~gayupapa niring loob co itong Novenas, na baga man munti sa tin~gin, ay ang tun~go,i, calaquilaquihan. Cahimanauari ang man~ga loob nang man~ga tauo, ay man~ga sulong at magsipanibulos na pagdongdon~gang pan~gadying, nang macamtan nila ang lubhang maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang manin~gas na puso ni san Agustín na pinaglaosan nang tunod, sampon nang man~ga cabanalan at graciang hinihin~gi dito sa Novenas na ito; siya cong nasa,t, pita, siya co rin namang iniamo-among idinaraing, idinadalan~gin at hihin~gi sa Dios Ama na macapangyarihang tunay, sa Dios Anac na carunun~gang lubos, at sa Espíritu Santong apoy na sintang tibobos, iisang Dios na totoo, na nabubuhay at naghahari magparating man saan. Siya naua.

* * * * *

BILI,T, TADHANA

SA PAGNONOVENAS CAY SAN AGUSTÍNG NA AMA NATIN.

Cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul-an at gauin itong Novenas, ayon sa pagcauili ó pagcasalat nang isa,t, isa; n~guni ang lalong tapat, ay cun mul-an sa icadalauang puong arao nang bouang Agosto, at nang masadha,t, matapos sa icamaycatlong ualo; arao n~ga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa Iglesia; at cun dili caya, ay sucat mul-an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang Abril; at nang matapos sa icalimang arao nang Mayo, arao n~ga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios.

Sa arao nang camumul-an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na arao, ay magpapacapilit magin~gat sa anomang pagcacasala nang marapat sa ating Pan~ginoong Dios ang caniyang hinihin~gi. Arao arao ay darasalin ang unang _Panalan~gin_ at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong _Ama namin_ at tatlong _Aba Guinoong María_, puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama natin, at saca isa pang _Ama namin_ at _Aba Guinoong María_, puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.

_Saca naman isus
/ 11 Next Page

Comments & Reviews ^top


Login to post your comment.
Be the first to comment on this!


Recommended


Ibong Adarna Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Harin

Cahangahangang Buhay ni Santa Margarita de Cortona

Justicia Nang Dios

Nang Bata Pa Kami

Panukala sa Pagkakana nang Rep

Ang Singsing nang Dalagang Marmol

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit