WYBHBM ~~ Chapter 58 part 1

173K 1.9K 229
                                    



HEIRA POV


I woke up late. Mag-a-ala una na ng magmulat ako ng mata. Hindi pa nga ako bumangon agad. Ang bigat ng katawan ko. Kulang na lang ibaon ko ang sarili ko sa kama.


Naubos ko na ata ang lahat ng luha ko kagabi. Madaling araw na naman akong nakatulog para lang balik-balikan ang mga nangyari saken kahapon. Ang mga sekretong nalaman ko ay sapat na para mahulog ang isipan ko sa malalim na pag-iisip. Baka nga lumipas ang isang araw na nag-iisip lang ako pero wala namang nangyayari.


Pinilit kong bumangon kahit ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Napadako na naman ang paningin ko sa kahon na ibinigay saken ni Aling Lei.


Wala pa akong desisyon. Hindi ko alam kung anong gagawin. . .kung ano ang dapat piliin. . .


Ilang minuto akong nakatulala. Nagitla pa nga ako ng may kumatok sa pintuan at bumukas ang iyon.


"Buti naman at gising ka na,hija. Akala ko'y itutulog mo na lang ang buong maghapon."


"pasensya na po kung napahaba ang tulog ko,Aling Lei." ngumiti lang ang matanda.Inaya akong magtanghalian. Sinabi ko na lang na mag-aayos muna ako saka lalabas para kumain.


Nang lumabas ng silid si Aling Lei, napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ikilos. Ipapakita ko ba na nanghihina ako o magkunwaring ayos lang kagaya ng mga nakaraang araw?


Naguguluhan ako sa buhay ko.


Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang banyo. Naghilamos ng ilang minuto at bumalik muli sa kwarto. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa salamin.


Hindi ko na nakikita ang dating Heira. Yung Heira na mababaw at laging masaya. Yung Heira na laging nakangiti, positive lagi. Yung Heira na hindi nagpapadala sa problema. Yung Heira na malakas at masigla.


Ngayon,kahit saang anggulo tignan, hindi ko na makita ang dating ako. Gusto ko ngang sabihing 'hindi ako 'to. . .'


Namumugtong mga mata tanda ng sobrang pag-iyak. Nahihiya akong makita ng ibang tao ang gantong itsura ko. . .


Muling kumatok si Aling Lei at sinabing nakahanda na ang mesa. Dinalian ko ang pagkilos para di na makaabala pa.-


"Heira."


"po?"


"kanina mo pa tinititigan yang pinggan mo. Hindi mo ba gusto ang pagkain?"


"p-pasensya na po." doon palang ako nagsimulang sumubo ng pagkain. Nakakahiya kay Aling Lei. Baka isipin nya, nag-iinarte lang ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng gutom pero wala akong ganang kumain. Ang labo. Hindi ko naman tinatanggihan ang grasya dati. Nananakit ang kalamnan ko dahil kape lang naman ang ininom ko kagabi. Posible palang mawalan ng gana sa pagkain kahit gutom.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon