[71] Emotional And Physical

369K 10.3K 2.8K
                                    

[71] EMOTIONAL AND PHYSICAL

GAIL'S POV

"Huwag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita. Is that the real you? You're biatching. Now I believe in Mariz... Hindi imposibleng sugurin mo siya. Bakit mo siya sinaktan?! Bakit mo siya sinampal? Hindi mo alam kung anong epekto nun sa kanya! Iniisip mo kasi lagi ang sarili mo. You're selfish! You want all people to symphatize you!"

Para bang nabingi ako sa narinig ko mula sa kanya. Si Kurt ba talaga itong nasa harapan ko? Paano niya ako napagsalitaan ng ganyan?

"K-Kurt..." My voice sounds accusating. "Sinampal ko siya?? Kailan? K-Kanina?! Wow!" I said sarcastically as I shook my head, "Sana nga sinampal ko siya eh! Sana nga ganun ako katapang para ibalik sa kanya ang sampal niya sa akin! Kita mo 'to??" Tinuro ko ang damit ko na ngayon ay may mantsa nang pagkain na itinapon sa akin ni Mariz kanina. "She spilled it off to me!"

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit niya sa braso ko kaya napapitlag ako sa sakit. "Hindi mo dapat siya sinugod! Did she do something bad to you? No, she didn't! Nananahimik siya. So, you should have just shut your dirty mouth and stay here at home! Paano kung nanganak siya ng wala sa tamang lugar dahil dyan sa t.ang!nang usapan niyo?! Hindi mo na inisip ang kalagayan niya. Talagang pinilit mo pa siya?! Para ano? Para mapahamak siya? That's bullsh*t! Kung mumurahin mo siya, sana sa akin mo nalang binuntong!"

Hindi ko na napigilan ang tuloy-tuloy na pag-iyak ko. Ito ang unang beses na sigawan ako ni Kurt. Ito ang unang beses na pagsalitaan niya ako ng masama. Parang ibang tao na ang kasama ko ngayon.

"Kahit kailan hindi ako nagmumura sa ibang tao, Kurt! Kahit kailan, hindi ako nananakit ng ibang tao. Hindi ko naman siya pinilit! Siya ang nagpumilit na mag-usap kami. In fact, last week pa dapat ito eh... Hindi ko alam kung bakit ngayon niya naisipan na makipagkita." I tried to struggle off his grip. "Bitawan mo nga ako, masakit!"

Pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko. Nagmamadali ko ring pinunasan ang mga nag-uunahan na luha sa mga mata ko. Bakit ganito pa ang nangyayari? Bakit ngayon pa? Pagod na pagod na ako.

"Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko sa inyo!" He slapped his forehead and started walking back and forth infront of me. Patuloy na ako sa paghikbi at pakiramdam ko, sumisikip na ang dibdib ko.

"H-Hindi mo alam? Sigurado ka, Kurt? Simula pa lang nang magising ka sa pagkaka-coma, siya na ang pinaniniwalaan mo! Siya at ang mga kasinungalingan niya!" Napahawak ako sa railings ng hagdan dahil nararamdaman ko na ang panghihina ng mga tuhod ko. "H-Hindi kita pinipigilan tuwing makikipagkita ka sa kanya, Kurt. Hinahayaan lang kita... Kahit lagi na akong nasasaktan sa mga kinikilos mo, kinakalimutan ko yun. Hindi mo nga kasi hinahayaan ang sarili mo kung ano ang nandyan sa puso mo! Nagpapauto ka sa babaeng yun! H-Hindi ko alam kung sanhi ba yan ng pagkatrauma mo o ano eh... Pero dahil dyan naging t*nga ka!! Utak yang pinapagana mo ngayon, Kurt. Bakit hindi mo pakiramdaman yang nasa puso mo?!?"

"Manahimik ka!" He started massaging the side of his head and stopped infront of me. Alam kong naiirita na siya sa akin pero tinuloy ko pa rin ang sinasabi ko.

"Puro ka Mariz Mariz Mariz! Hindi ko alam kung ano-ano pa ang sinasabi niya sayong kasinungalingan. Kung sino pa ang sinungaling, sa kanya ka pa kumakampi! Kahit anong pilit ko na ipapaalala sayo ang mga alaala mo Kurt, wala pa ring kwenta... Mas pinapanigan mo yang babae mo kesa ---------"

And that's when I cut off my words.

He slapped me. Very hard.

"I SAID SHUT UP!!!" He yelled angrily.

It's like my whole system became weak. Dahan-dahan akong napaupo sa gilid ng hagdan at napatulala sa pagkakabigla. He hurts me not only physically but emotionally.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon