Chapter 63

81.7K 1.5K 254
                                    

~Deli’s POV~

 

 

11 na ng gabi nang maisipan ng mga mag-kakaibigan na mag-Jacuzzi.

 

“Buti may Jacuzzi kayo e may beach naman.” Sabi ni Tracy kay Sofie

 

“Ewan ko ba kay Mommy, siguro alam nyang sa gabi tayo mag-p’party kaya nag-palagay syang Jacuzzi.” Sabi ni Sofie.

 

“Sabagay, ayoko namang maligo sa beach ng gabi. Ang lamig kaya!” sabi ni Tracy kay Sofie, papalakad na sila kung nasaan ang Jacuzzi, sa may bandang gilid ng beach house ang Jacuzzi kung saan katabi ng swimming pool.

 

“Wait! May hindi pa ata nakabihis sa atin.” Sabi ni Cielo. Tinignan ng apat ang bagong paparating. Sino pa nga ba, edi si Shayne.

 

“Mga Bess, ayoko. Promise.” Sabi ni Shayne kina Cielo.

Ayaw nya talagang mag-babad sa Jacuzzi dahil napagod sya sa bhaye. Sa mga boys naman, nag-tutulungan silang buhatin yung mga barbeque grills para ilipat sa loob.  Doon daw kasi sila mag-p’party dahil masyado nang malamig sa labas.  Ang gulo ng mga girls no?

 

“Brad, nililigawan mo ba si Shayne?” nagulat si Jake sa tanong ni Zander. Kasalukuyan nilang pinapatay yung campfire gamit ang buhangin.

 

“How I wish, pero mag-kaibigan lang talaga kami.” Malungkot na sagot ni Jake kay Zander

 

“Good. Kasi alam mo bang gusto ng kaibigan ko ang kaibigan mo.”

 

 

“Ah oo, si Keith diba?”

 

 

“Tama! Pero medyo gago kasi yun e. Niloko si Shayne, pero who knows malay mo nabigtima lang sya tulad ng nangyari sa akin.”

 

 

“What do you mean?” Nag-tataka si Jake sa sinabi ni Zander kasi ang alam lang nya ay niloko nya si Shayne and nothing more.

                                            

“Mahaba Brad. Basta mag-kaibigan lang kayo ni Shayne ah?”

 

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon