|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
0
ANG TUNAY NA BUHAY NI P. DR. ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] ANG TUNAY NA BÚHAY NI P. Dr. JOSÉ BURGOS =at nang man~ga nacasama niya= =na sina P. Jacinto Zamora,= =P. Mariano Gómez at ang= =nadayang Miguel= =Zaldua= SINULAT NI HONORIO LÓPEZ Periodistang tagalog, Director artístico sa _Kapisanan_ nang man~ga autores lírico-dramático _La Juventud Filipina_ at Autor nang maraming casulatan: Kalendario, istoria, biografia, etc., etc. =ICALÁUANG PAGCAHAYAG.= MAYNILA: 1912. =IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA= NI =J. MARTINEZ.= _Plaza Moraga 34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok._ =Ang ala-alang handóg= _Sa cay P. Dr. José Burgós (30 taon), P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez (85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós na dinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abang ala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayó sa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nang Febrero nang 1872._ _HONORIO LÓPEZ_. [Larawan: P. DR. JOSÉ BURGOS.] =Sa man~ga nanasang liyag= PASIMULA Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat. Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan na dapat tularan nating calahatan sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan nitong ating bayang lagui sa ligamgam. Caya ang marapat, oh m~ga capatid: silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís, huag lilimutin laguing isa-isip alang-alang baga sa m~ga sinapit. Gayon din naman sa cailan pa man dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal «n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang. Caya ang mabuti ay tularang lubós m~ga halimbaua ni na Padre Burgos, Gómez at Zamora na pauang tagalog sa tinubuang bayan marunong umirog. Sa baua't may nasang ibig na bumatid n~g canilang búhay tunay na sinapit basahing tuluyan pagtiagaang tiquís cusang ipatuloy itong natititic. Bahala na sana inyong camahalan mag lapat nang ganap sa labis at culang sa baua't talatang inyong matagpuan uari'y nalilihis doon sa catuiran. N~guni't ang samo co bago mo punahín ang lihís sa uari, maiguing linin~gin maca ca sacali naman na malinsil sa daang casamaan malagos na tambing. Cung magcacagayon ang pasasalamat sa camahalan mo aquing iguinagauad at mag-utos naman sa lahat nang oras sa laang capatid na casuyong tapat. =Honorio López.= =ANG TUNAY NA BÚHAY NI Dr. JOSÉ BURGOS, Pbro.= AT NANG MAN~GA CASAMA. PÚNO NANG SALITÁ Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacdál sagana sa galác sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hayág. Taóng isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ianác nang ináng hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal. Siya'y na-uucol sa isang «familia» na iguinagalang natatan~gi baga sa buting ugali at gauang maganda sa ciudad na yaong mayaman sa sayá. Mulang camusmusan nitong ating Burgos sa bait na taglay uala nang aayos gayon din sa talas nang isip na impóc, caya't maaga siyang pinaturuang lubós. Hindi nalaunan caniyang pag-aaral naisipan n~gani nang m~ga magulang dito sa Maynila iluas na tunay upang pag-aralin sa San Juan de Letran. Caya iniluas itinuloy muna sa bahay nang canyang tióng sinisinta teniente práctico nang artilleria Juan Antonio Aelle ang pan~galan baga. Siya'y itinirá na hindi naluatan sa Letrang colegio, ang nacacabagay ay duc-hang ulila sa m~ga magulang, sa loob nang Dios tinangap din naman. Sisiyám na taón cabilan~gang edad nang siya'y parito at masoc na cagyat sa colegiong yaong hinahan~gad-han~gad nang caniyang budhi at loob na in~gat. Doon n~ga nag-aral na hindi nagtahan hangan sa sinapit at cusang nacamtan ang gradong "bachiller" gayong pag-aaral sa "artes" nahayág ang siyang pan~galan. Nang ito'y macamtan nitong Burgos natin gumising sa ca
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |