Epilogue

2.3M 55.3K 33.7K
                                    

THANK YOU SA WALANG SAWANG SUPPORTA NINYO! Sobrang saya ko na nakaabot kayo dito... ang saya saya.. hehehe. nasiyahan din ako sa pagsusulat nito kaya sana pinasaya ko rin kayo...

Songs used:

Only One - Lifehouse

You Belong to Me - Jason Wade

Things Will Go My Way - The Calling

-----------------------------------------------------

Epilogue

"Bilis na, Manong!" Sigaw ni Coreen sa driver namin.

Natataranta na ang driver sa pagdi-drive dahil masyadong atat si Coreen makarating sa Araneta.

"Ano ba, Coreen? Anong problema mo?" Sabi ko habang ineenjoy ang byahe.

"Kasi naman po, ang daming tao kaya doon! Naka attire pa naman tayo ng ganito tapos mahuhuli tayo at makikipag pilahan kasama yung fans?"

Umirap ako, "Hello? Nakalimutan mo na ba? Fiancee ko yung mag co-concert! Tingin mo hahayaan niya tayong pumila doon."

Humalukipkip siya at umirap narin.

"Ay oo nga pala... Si Wade nga pala yun... Pag nalaman niyang paparating na ang mahal na Reina ay kung maari ipapagiba niya yung isang pader ng Araneta para lang makapasok ka ng matiwasay..." Umirap siya. "Promise, Reina, mauunahan tayo sa harap kasi ang bagal mo. Alam mo namang wala tayong ticket."

"May reserved seats tayo doon, Coreen." Sabi ko.

"Eh sabi naman sayo diba, maraming tao ngayon. Come back concert niya kaya ito." Sumbat ni Coreen sakin.

Hindi ko talaga maintindihan. Bakit ba natataranta ang isang ito? Hindi naman ako hahayaan ni Wade na walang upuan sa concert niya. Praning na talaga itong si Coreen.

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. Nag aayos na siya ng buhok ngayon habang bumubulung-bulong ng mga reklamo tungkol sa pagiging relax ko dito.

"Bakit mo naisipang puno na yung VIP?" Tanong ko.

Ngumuso siya at sinulyapan ako. Unti-unti siyang ngumisi at nag peace sign!

"Inimbitahan ko kasi si Liam tsaka Shan..." Tinakpan niya ang bibig niya.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Masyado ng maraming nandoon. Pinaclose na nga ang VIP dahil nakalaan lang yun sa mga kakilala at espesyal kay Wade. Maingat kong binilang ang mga sasali. Tama lang talaga yung upuan doon sa VIP para sa mga sasali. Ayaw sumama ni Liam, ang sabi naman ni Shan ay may taping siya kaya hindi ko na inasahan ang pagdating niya.

"P-Paano mo sila napapayag?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat si Coreen, "Kumpara sayo, mas malakas ang charm ko kaya..." Ngumisi siya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon