Prologue

11.6K 283 25
                                    

Prologue:

 

“Ms, kailangan mo ng boyfriend? Meron pang available dito.. For Sale pa din sya.”

Napatingin ako sa babaeng nagsalita malapit sa’kin.

 

“Ano bang tipo miss sa isang lalaki? Meron kami nyan dito.. Halika! Pasok ka sa store namin”

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na sya napigilan para hilahin ako sa loob. Anong klase bang tindahan tong kinalalagyan ko ngayon.

Kakaiba. First time lang akong nakakita na isang boyfriend ang ipinagbebenta.

Pag bumili ba ko dito eh nasisigurado nilang magiging akin lang sya?

“Oh ano miss? Ano bang gusto mong boyfriend, Gwapo? Macho? Matalino? Magaling sa kama? Gentleman? Ano miss? Sabihin mo lang sa’kin..”

Kinakabahan ako sa nangyayaring toh.

Bakit ba ko napunta sa lugar na toh? Tama ba tong gagawin ko?

“Wag kang mag-alala miss, magiging sulit ang bayad mo.”

 

“P-pero..”

 

“Bili ka na, tara! Madami kang pagpipilian..”

Tama sana tong pagpasok ko sa tindahang toh.

Teka nga.. bakit ba nandito ko?

Dahil gusto kong maranasan ang magkaron ng isang boyfriend? Dahil ayoko ng mag isa? Dahil gusto ko ng makakasama?

Napa buntong hininga na lang ako.

Tumingin ako sa sales lady na ngayon ay nakangiti sa’kin ng pagkalapad lapad.

 

“Oh ano po Mam? Nakapag decide na po ba kayo?”

Huminga ako ng malalim tsaka tumingin sa kanyang mata..

 

“Dalhin mo ko sa section ng store nyo kung nasan ang mga lalaking magbibigay sa’kin ng saya.”

Sinuklian nya ako ng isang ngiti at sinabing sundan ko sya. This is it! Ito na talaga.

 

“Dito po Mam, pumili na lang po kayo. Tsaka natin pag-uusapan kung magkano ang presyo.”

Pumasok kami dito sa isang kwarto kung saan puro lalaki ang makikita mo. Nakangiti lang sila sa akin at tinitignan ang bawat galaw ko.

Lahat sila gwapo.

Lahat sila mukhang mapagkakatiwalaan.

Lahat sila mukhang mapapakinabangan.

Pero sino dapat sa kanila?

“Hi Miss! Bilhin mo na ko, sasaya ka sa’kin~”

 

“Miss, bilhin mo lang ako, puso ko’t katawan ko, iyong iyo~”

 

“Hey Sexy Lady, try me and you’ll be happy..”

Mukhang manyak yung pagkakasabi nila pero in a good way naman nila ito sinabi. Nakangiti nga ako habang pinapanood sila.

Nagulat na lang ako ng may lumapit sa’king lalaki, matangkad ito kaya medyo tumingala ako.

 

“Bilhin mo ko.”

Napatingin ako sa t shirt nya na may nakatatak na, BOYFRIEND: FOR SALE.

Sya na ba ang bibilhin ko?

---

A/N: Kasabay ng pagce-celebrate ko ng anniversary kay watty, pinost ko na tong new ongoing story ko. Sana suportahan nyo.

BOYFRIEND: For SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon