Sorpresa kay Sister Lita

77 4 5
                                    

Nag-GM si kirson, nakita niya daw sa facebook na birthday ni Sister Lita; isang mabait na madre na naging guro namin sa religion. Dahil saw ala naman kaming pasok, naisipan naming isurprise siya.

Nagkita-kita kami sa isang fast food chain,

Ako, si anina, kirson, Erika, Claudia, cora at patricia; siya nga pala matagal na naming hindi kaklase si maynard kasi, napunta na sila sa ibang bansa ng hindi man lang nagpasabi.

Sabi ni kirson, mas maganda daw kung bibilhan naming si Sister ng regalo.

Nagpunta kami sa palengke palibhasa’y mga kuripot.

“Ano pong hanap? Pili na” wika ni ate

Ang pinuntahan namin ay ukay ukay,

“Ang baho naman, at ang daming lamok” reklamo ni kirson.

Ang sama ng tingin ng tindera sa kanya.

“Ate, magkano po ang sapatos na ito?” tanong ko, mukha pa siyang bago; Nike at kulay puti.

“200 na lang”

Sabay-sabay kami “HAAHHH???”

Dito magaling si kirson, ang makipagtawaran.

“Ate, babaan nyo naman po”

Nagmamakaawa ang mukha namin.

“magkano ba gusto niyo?”

“95?” sagot niya

“Ano? Anong klaseng presyo yan!”

Itinaboy kami ni kirson palayo, kunyare aalis na kami.

“Tara na nga, hindi man lang makatawad kay ate”

Ilang hakbang pa lang kaming palayo,

“Hoy, hoy dito na kayo bumili”

So balikan kami,

“Dagdagan nyo naman kasi, 100 na”

Ayaw talaga naming patalo,

“Eh, ate hindi lang naman yang sapatos ang aming bibilhin” sagot ni Claudia

Pumayag na si ate, nakita rin namin yung t-shirt na may logo na “I <3 Jesus”

“Magkano dito, teh?” tanong ni patricia

“120 yan” mahinang sagot niya

Tumawad ulit kami, hanggang sa makuha namin ito ng 75 pesos

Sa paghahalungkat ay nakita ni kirson ang isang polo na alam kong kapareho ng sa kanya, kitang-kita ko kung paano niya iyon winasak na parang mala incredible hulk at itinapon sa kabilang ukay-ukay.

Nag-kolekta na kami ng aming ambag na pambayad, nakabalot na ang mga ito.

“salamat ate” wika namin.

Pumplastik naman ang ngiti ni ate nang kami’y umalis.

Dumating kami sa kumbento, magtatanghalian na.

“Hoy, parang nakakahiya kasi hindi naman tayo imbitado tapos pupunta tayo” sabi ni anina

Pero sinabi ni kirson na, “Anu ka ba, may regalo naman tayo oh; mukha pang mamahalin”

“Oo nga, I’m so excited  na with the foods” dagdag pa ni Claudia, pinakamatakaw sa grupo.

Doon sa kumbento ay mayroong doorbell na kailangang pindutin kapag may appointment ka sa isang madre,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit gusto kong pagtawanan ang mga pangit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon