Chapter Twenty-Two: (500) Days of Summer

208K 1.8K 120
                                    


Alex's Point of View

Nakahalukipkip lamang ako at pilit na nilalabanan ang antok. Kanina pa ako nakatayo sa gilid ng terasa habang hinihintay na maubos ni Gin ang kape.

Nakuha pa talagang mag-kape!

Kumunot ang noo nito nang makita akong nakatayo. Tumayo ito sa pagkakaupo at hinila ako.

"Gin!"

"Sit down. Bakit ba ang layo mo sa akin?" kunot ang noong tanong.

"Bakit kasi hindi ka pa umuwi?" inis na tanong na sumiksik sa kabilang dulo ng divan. Si Gin naman ay naupo.

"Kadarating ko pa nga lamang papauwiin mo na ako."

"Bakit hindi na lamang ang ka-date mo ang puntahan mo at bulabugin mo!" Sa naisip ay lalo lamang akong nainis. Imposible naman na galing ito sa pagkakatulog sa klase ng suot nito!

Maang na napatingin ito sa akin. Pagkuwa'y napatingin sa suot na damit at muntik nang maibuga ang iniinom na kape nang makita na roon nakatutok nang matalim ang mga mata ko.

"It was a family dinner, sweetheart. No need to be jealous of," nakangiting sabi.

Namula ako. "Jealous ka, r'yan! Pwede ba, Gin, 'wag mo nga akong ma-sweetheart- sweetheart! Hindi kita boyfriend!" singhal ko.

Inilapit nito ang mukha sa akin. Tarantang napaurong ako. He grinned. "Eh, di gawin mo akong boyfriend, problema ba 'yon?"

Namula ako. Hinampas ko ito sa mukha. Napasigaw ito habang hawak ang mukha.

"Bella! Nakakasakit ka na talaga! Na-flat yata ilong ko!" reklamo nito.

Natawa ako sa itsura nito. Ang epic ng mukha.

Galit na tiningnan niya ako ng masama ng makitang tumatawa ako. "Nakakatawa pala ha!"

Napakurap ako. Inilapit nito ang mukha sa akin. Napaurong ako uli. "Gin!"

He lifted a brow when he heard my panic. Kumabog na naman ang malakas ang puso ko.

His dark eyes stared at mine. Napalunok ako. Shit and damnation. He has the sexiest eyes that I have ever seen. Unti-unti na nawala ang mapaglarong ngiti sa labi nito at napalitan ng kaseryosohan.

"You are so beautiful, Bella. Kaya siguro maraming lalaki na nahuhumaling sa 'yo," he said na may bahagyang diin ang pagkakasabi. Napakurap ako.

I wanted to say I don't care about them. All I care about is how I look in his eyes. That's all that matters.

I swallowed hard. I cannot ignore this anymore. The attraction we both feel towards each other. I am so confused. Bahagyang naitulak ko ang dibdib nito pero maagap na hinawakan lamang nito ang palad ko na nasa dibdib niya at ikinulong sa mga palad nito. I gasped. His hands enclosed mine and all I feel its warmth.

My heart is beating fast again. "G-Gin."

He smiled slowly. Masuyong hinawi nito ang buhok na tumatabing sa kabilang mukha ko and gently tucked it behind my ear. His eyes start to heat me up slowly.

"Tell me honestly, wala bang chance na magustuhan mo ako, Bella? Because right now, all I want is to be with you. To know how it is to be your man," he said huskily. I gasped. Wala sa loob na I ran my tongue tip on my lips. Pakiramdam ko nanunuyo na iyon.

He moved his gaze towards it and I cried out sharply when I saw the darkening of his eyes.

"You keep on doing it deliberately sweetheart," he said with regret. Nanlaki ang mga mata ko. But all I can do is to stay still while he is pulling me towards his body.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon