Epilogue: Ikaw at ako

231K 5.9K 642
                                    

 Three months later.

"Let us all welcome, for the first time, our newlyweds, Mr. and Mrs. Adam Consunji."

Adam took my hand at sabay kaming tumayo para magpunta sa gitna ng dance floor. It was our first dance as husband and wife at halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin. I was smiling pretty wide that day – smile na may kasamang luha kasi naman – Adam made sure that this day will be perfect for me.

"Pagod ka na?" Tanong niya sa akin habang nagsasayaw kami sa gitna ng dance floor. My hands were around his neck and his arms were on my waist, napakalapit niya sa akin at dahil doon ay ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing ganoon siya kalapit ay kinakabahan ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako immune sa charisma ng asawa ko.

Kinurot ko siya sa tagiliran.

"What?" Tanong niya.

"Maghapon mo na akong pinapaiyak." Sabi ko sa kanya. Napangiti siya sa akin.

"Tears of joy naman, mahal. Ikaw naman." Hinagkan niya ako sa pisngi. I sighed. Talagang kapag nandyan si Adam, lahat ng bagay sa paligid ko makulay at maganda. The last three month came with ease kahit na iyon pa ang pinaka-crucial panahon sa akin.

Nakulong si Mommy. She will serve twenty five years inside jail habang si Mr. De Jesus ay habambuhay na pagkakakulong naman. Hindi ko alam kung paano naging sobrang bilis ng pag-usad ng kasong iyon, siguro ay dahil sa impluwensya ng pamilya ni Adam. Iyong gabi bago mahatulan si Mommy, nag-usap kami ni Adam. Sabi niya, kahit anong mangyari sa kaso ni Mommy ay hinding-hindi niya ako iiwan.

Nang araw naman na lumabas ang hatol kay Mom, tinanong niya ako kung gusto kong umapela. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong sa akin iyon. Sa dami ng kasalanan ni Mommy sa kanya, sa aming dalawa ay iniisip niya pa rin ang makakabubuti para sa pamilya ko – and I love him more for that.

Si Dad naman, nakakapgsalita na siya. Paunti-unti nga lang pero sabi ng therapist niya, kapag nagpatuloy ang response ni Daddy ay babalik sa dati ang pagsasalita niya. Nakakalakad na rin siya kahit paano. Talagang siniguro ni Adam na babalik sa normal si Dad, he made everything possible for him.

Ibinalik rin ni Adam kay Daddy ang perang ninakaw ni Mr. De Jesus sa kanya – hindi nga lang pera kuni pati ang kompanyang pinag-invest-an ni Mr. De Jesus ng mga perang iyon ay na kay Daddy na. Daddy was so happy at sa sobrang kasiyahan niya ay nayakap niya pa si Adam at nahalikan.

Si Mig, graduating na siya sa isang taon. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoo – na si Mr. De Jesus ang tunay niyang ama. Noong una ay nasaktan siya – kahit ako naman, but we managed to make things work. Sinabi ko sa kanya na kahit na sino ba ang tatay niya, mahal na mahal ko siya at ganoon din siya Dad sa kanya.

Wala na akong problema ngayon. I have everything I need in life and more. Nandyan ang pamilya ko, si Adam at siyempre si Gabriel – ang baby sa tyan ko.

"Mahal paano kung babae ang baby natin?" Tanong ko sa kanya habang nagsasayaw kami.

"Gabrielle." Sabi niya. Natawa ako. Pinanindigan niya talaga ang pangalan ng baby naming dalawa. Masaya ako talaga. Sa nakalipas na anim na taon ng buhay ko, wala akong ginawa kundi ang umiyak at maging malungkot. Ngayon nandito na ako sa punto na pwede na akong maging masaya at alam kong panghabambuhay ang kasiyahang iyon.

Sabi nga ni Adam sa vows niya kanina: I will love you forever till eternity. Just like what Buzz Lightyear have said, Aura, to infinity and beyond. My love for you could reach infinity and whatever it is that's beyond that.

Hands all over (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon