Mga kwentong kababalaghan

spinner.gif

Noong unang panahon sa aming lugar sa kalbayog samar ay hindi na maiiwasan ang mga kababalaghang nangyayari, may mga taong hindi mo  inaasahang ingkanto pala kaya yung ibang mga lumuluwas sa aming probinsiya  ay hindi malaman kung anung sakit ang dumadapo sa kanila.

 

One time yung tita ko si tita edita gustong gusto magbakasyon sa aming lugar 23years old na siya at ngayun lang siya makakapunta sa samar. maganda si tita edita sexy, dalaga, maganda, matalino, mahaba ang buhok mukhang lahat ata nakuha na niya.

 

Ang nanay ko naman na si nanay cecille ay naghanda ng pagkain para kay tita edita, at nung nakarating na si tita edita nagkaroon kame ng kaunting pagsasalo - salo sa aming bahay at makalipas ang ilang araw marami ng naging kaibigan yung tita ko sa aming lugar at halos araw araw siyang nakikipag inuman at nagdadamag sa dagat kasama ng mga naging kaibigan niya.

 

Nagkaroon din ng mga manliligaw si tita edita dahil siya ay single tinanggap niya  lahat ng panliligaw ng mga lalaki sa lugar namin...... one time nung gabing nasa bahay kaming lahat may biglang kumatok na aming pintuan, tinanung ko kung sino? (Sino po sila?)  sumagot ang di kilalang lalaki(magandang gabi po ako po ay isang manliligaw ni prinsesa edita)..

 

Nagtaka kame kung bakit ganun napaka lamig ng boses at mukhang kaakit  akit  ang kanyang boses. binuksan namin ang pinto at nakita namin na ang gwapo gwapo ng lalaking manliligaw sa tita ko at pati siya ay nagulat dahil hindi niya kilala itong lalaking manliligaw niya na may dala pang prutas at bulaklak na napaka bango.

 

Lumipas ang mga araw na gabi gabi nawawala si tita edita at hindi siya nagpapaalam kung saan pupunta... napansin din namin na lagi siyang tulala at animoy may hinahanap na hindi maintindihan.

 

Nung gabing dumalaw ulit itong di kilalang lalaki sa aming bahay may napansin ang aking nanay na bakit walang korteng hiwa sa gitna ng ilong at bibig, nagtanung ang aking nanay sa lalaki kung bakit wala siyang hiwa sa gitna ng ilong at bibig at biglang umalis ng walang paalam ang lalaki. nagtaka kaming lahat at ang tita ko ay walang imik kundi ngumiti at parang wala sa sarili.

 

Lumipas ng dalawang linggo hindi namin makita tita ko at 3 araw kaming naghanap sa kanya at kinagabihan ay nakita namin siya sa dulo ng sa malapit sa dagat na nakayap sa malaking puno at hindi namin siya matanggal tanggal sa kanyang kinakapitan at animoy napaka dulas niya at hindi mahawakan, nagpatawag agad ang nanay ng albularyo upang malaman kung bakit hindi siya makuha sa malaking puno.  maya maya dumating na ang albularyo at sinabing gusto siyang mapangasawa ng ingkangtong itim at kinuha ang kanyang kaluluwa.....nung nagpaingay kame ng mga kalder, pito, at iba pa at maya'y biglang lumutang si tita edita na biglang tumanda ang mukha at hiindi makilala. lumipas ang ilang oras nakuha din si tita edita dahil sa dasal ng albularyo.

 

Akala namin ok na ang lahat ngunit makalipas ang dalawang araw biglang lumaki ang suso ni tita edita at hindi malaman kung anu yung lumalabas sa kanyang suso...... dinala ulit siya sa albularyo at sinabing hindi na  yung tita niyo ang nasa loob ng katawan niya kundi punong puno ng mga insekto at iba pang di malamang lumalabas.... hindi namin alam ang gagawin kundi pinagdasal namin siya at hindi nagtagal na nawalan na siya ng malay biglang payat niya na animoy buti na.

bumalik kami sa malaking puno na kung saan nakita yung tita ko at nabigla kame na ang dating patay na puno ay naging mabango at bumunga ng mga dahon... at kinuha na siya ng ingkantong itim.

 

kaya mag ingat sa mga taong magpapakilala sa inyo. tingnan kung may canal ang gitna ng ilong at bibig ng isang tao. pag naka encounter kayo ng ganun yumuku pababa at makikita niyo kung anung pangit na itsura niya. .

 

 

Comments & Reviews (23)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended