Chapter Twenty-One: Braveheart

207K 1.9K 87
                                    


Alex's Point of View

Ilang beses na napatingin ako sa pintuan. Sa cellphone. Iritableng ibinalik ko ang tingin sa binabasa kong magasin.

Wala naman roon ang utak ko.

Bakit ba kasi hindi nagpaparamdam ang Gin na 'yon? Inis na bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa orasan. It's already 7 pm. Kanina pa tapos ang klase ko kung saan nagpa-cute ng nagpa-cute ang siraulong Gin na 'yon. Tapos ngayon...

Shit and damnation! I could feel the churning and twisting of my stomach in anxiety.

Kulang na lamang tawagan ko siya. I text. Shit. Ano bang nangyayari sa 'yo, Alex?

Nagulat pa ako nang may maglapag ng tray ng pagkain sa lamesita.

"Gan'yan na ba ang pagbabasa ng magasin? Pabaligtad?"

Natigilan ako at sa unang pagkakataon ay saka pa lamang na-pokus ang mga mata ko sa binabasa kong magasin.

Baligtad nga!

Namumulang naihagis ko iyon. Nakita ko si Nana na tatawa-tawa habang iniaalis sa tray ang isang baso ng juice at cookies.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Alex, at hindi ka magkakaganyan kung hindi," nanunuksong sabi.

"Nana!" namumulang sabi ko na iniiwas ang mga mata. "Wala po akong iniisip!" kaila ko na binuhay ang tv.

Natawa ito. Namumulang nanood na lamang ako. Nainis tuloy ako bigla! Bakit kasi bigla na lamang nawala ang lalaking 'yon? Di man lamang nagpaalam!

Magpaalam? Bakit? Mag-ano ba kami?

Inis na pinalis ko ang lalaking iyon sa utak ko. Nakakainis lamang talaga!

Pero bigla rin ako nag-alala.

Baka kung ano na nangyari sa kanya! Kinabahan naman ako bigla. Napatingin ako sa cellphone ko. Tawagan ko kaya? Kaya lamang nakakahiya!

Ako? Isabella Alexandra Monteverde tatawag sa lalaki?

No way!

Pero naglalaban na loob ko. Shit na Gin na 'yon! Pinagra-rumble niya utak ko!

Baka naman may kasamang babae!

Sa naisip ay napahinto ang pagdampot ko sana sa cellphone ko. Agad na naningkit ang mga mata ko sa naisip. Oo nga. Baka naman may kalantaring ibang babae ang lalaking iyon! At sa galing niya mambola ay hindi nakakapagtaka! He is a flirt! Sa naisip ay kulang na lamang ibato ko ang cellphone ko.

Nakakainis kasi. Pilit na itinututok ko ang isip ko sa pinapanood ko. Para mamaya makatulog ako nang hindi siya iniisip!


NAPABALIKWAS  ako nang makarinig ng sunod-sunod na pag-busina. Maang na napatingin ako sa orasan, pasado alas-nueve na at wala pang 15 minutes na nakahiga nang makarinig ng maingay na busina.

Agad na tumayos ako at kinuha ang roba na nakasabit sa poste ng aking kama. Ipinatong ko iyon sa suot kong manipis na nighties at sumilip sa bintana kung saan kitang-kita ko ang harapan ng malaking pintuan ng mansiyon.

Nagsimulang tumahip ang dibdib ko nang makilala ang lalaking umibis sa kotse. Wala sa loob na napahawak ako sa aking dibdib at tila may sariling isip ang aking paa na tinungo ang pintuan at bumaba. Nakasalubong ko pa si Nana na mukhang paakyat na sa kwarto ko. Nanunukso ang mga ngiti nito.

"O, andyan na ang dahilan ng pagbabasa mo ng baligtad," anito na hindi na dumiretso paakyat sa halip ay bumalik na uli sa kusina. Narinig ko na tinawag nito ang katulong para magdala ng maiinom sa sala.

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon