Chapter 3

143 7 11
                                    

Chapter 3

Jessie’s POV

“woaw” sambitla ko ng makakita ako ng bouquet na nakapatong sa desk ko.

Kakarating lang namin ni Norin sa room. Yung school hours namin 3:40-9:00pm. Nung party nga pala, isinayaw ulit ako ni Wayne, ewan ko ba dun, wala naman kaming napag-uusapan, hindi kaya siya nabobore? Tapos nung pauwi naman nag-aalok siya na siya na daw maghahatid sa akin kaso di ako pumayag, baka rape-in pa ko. Echos. Pagdating ko nga sa dorm, wala si Norin, sobrang nataranta ang lola niyo, paano naman kasi madaling-araw na wala pa siya, buti na lang naisipan kong tignan yung fone ko at ang magaling na babae, umuwi daw sa kanila, nagpasundo sa Tito niya.

“Wow, girl gandang salubong naman niyan?” sabi ni Norin, gagang to akala ko kasunod ko na siyang pumasok dito sa room.

“Oo nga eh, kaso di ko naman alam kung kanino galing” sabay upo ko

“Baka naman may stalker ka, hala” pananakot niya

“Sira, secret admirer siguro, bigla tuloy ako na-excite, gwapo kaya siya? sweet? mabait? matipuno? Yung tipong kaya akong ipagtanggol sa mga gustong manakit sa akin, tapos ipagsisigawan niya sa lahat na ako lang yung mahal niya” may pa-gestures gestures pa ko diyan. Halatang feel na feel.

“ha-ha-ha, patawa ka girl. Feeling mo yata nasa teledrama ka, huwag ka masyadong umasa na may ganun pang mga lalaki” napaka-KJ talaga nito.

“Ano tong naririnig ko, hapon na hapon, lalaki pinag-uusapan niy-----huwaw, kanino galing yan?” sabi ni Tine ng makita niya yung bouquet, nagkibit balikat lang ako, tapos umupo na si Tine sa bandang right ko, nakagitna kasi ako sa kanilang dalawa ni Norin.

“Grabe, ako kaya kailan may magbibigay sa akin ng ganyan?” Tine

“Mamaya, papadeliver-an kita.” sabat ni Norin

“Tse, adik mo girl” tignan mo to, pag ako yung nambibwisit sa kanya, kulang na lang gawin akong bruha sa kakagulo sa buhok, pero pag si Norin, tatawanan lang niya.

Natahimik kaming lahat ng pumasok na yung terror prof.namin, matandang dalaga kasi kaya malaki ang poot sa mundo.

‘Good afternoon class, alam niyo namang lahat na malapit na ang midterm exam so better be prepared’ josmiyo, kakarating lang niya yun agad yung pambungad.

‘I hate exams, sayang effort kung magrereview, wala naman din sa napag aralan yung itetest, di mo alam kung saang part ng mundo nila kinukuha yung mga questions’ buntong hininga ko

“oo nga girl,, bakit ba kasi tayo nag accountancy eh? Dapat flight attendant ako eh” reklamo ni Tine

‘ewan, napadpad na lang ako bigla dito’ sagot ko sa kanya

“Anong gagawin natin? Kailangan natin pumasa dito?” pamomroblema ni Tine

“Ah gets ko na yang tingin na yan, no, no, no. Sigurado iistorbohin nyo lang ako,, di naman kayo mag-aaral..” biglang sabi ni Norin ng tignan namin siya ni Tine, mukhang gets na niya na gusto naming magpatutor sa kanya.

‘hmmm, hindi kaya. These time girl totoo na to, kailangan namin ang genius lady ng grupo’ pagmamakaawa ko sa kanya.

‘oo nga, girl please,save us,,sige ka, ikaw din  pag bumagsak kami, konsensya mo rin yun.’ panggagatong naman ni Tine. Parang walang prof. sa amin, tuloy talaga kami sa diskusyon, patay kami nito pag nahuli kami.

”Ang lagay eh, magkano ba?” kita mo tong babae nato, tama bang magpabayad.

“Isang B1” yung sa Jollibee, yung burger,fries at drinks. Matakaw to eh kaya kakagat yan.

“Cheap” aba, maldita talaga to.

Natigil yung usapan namin ng biglang lumabas si Miss. Baligtad din kami eh noh, kaninang nandito si Miss daldalan kami to the max pero nung lumabas siya natahimik kami bigla. Meron yatang tao sa labas, hindi ko naman kasi makita mula dito sa direksyon ko, lalo na sarado yung mga bintana, aircon kasi, pero yung pinto medyo nakabukas ng konti.

“Ah, Ms. Dela Torre, may naghahanap sa iyo sa labas” aba, himala pumayag siya na may mang-istorbo habang nagkaklase siya, eh ayaw na ayaw niya yun.

“Sino po Miss?” pag-uusisa ko, pero nakatayo na ako, para lumabas na.

“Just go & find out yourself” psh, sungit, tatanong lang eh. Lumabas na ako para makita kung sino yung naghahanap sa akin.

“Excuse me, ikaw ba yung naghaha---“ laking gulat ko nung humarap yung lalaki sa akin.

“Owvah” at napatakip talaga ako ng bibig ko.

Journey for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon