Chapter 60

85.5K 1.5K 89
                                    

~Deli’s POV~

 

 

Edi yun nga ang dahilan kung bakit Sobrang galit ni Claire kay Shayne kasi para sakanya kinuha na ni Shayne lahat sakanya. Broken family kasi sya kaya laging wala ang mommy at daddy nya sa bahay at puro maids ang kasama nya kaya bumibisita siya kina Keith e si Keith laging pumupunta sa playground para makita si Shayne e hindi naman sya pwedeng sumama kasi galit sya kay Shayne.  Simula nun hindi na nya nakausap yung lima.

Back to reality na…

                       

~Shayne’s POV~

 

 

Months passed at sobrang miss ko na sina Bess. Haay. Kailan kaya kami pupuntang Pinas?

Pababa ako ngayon sa hagdan, pinapatawag kasi ako ni Butler Andrew sabi nya may sasabihin daw sina Grandma sakin na importante.

Pag-pasok ko sa kusina, nakita ko si Ate at yung fiancé nya na nakaupo sa right side ng table habang si Grandpa naman yung gitna at nasa left side naman si Grandma. Kiniss ko silang lahat pati na si Kuya Kristof (fiancé ni Ate Sheen) di naman ako naiilang kasi magiging kuya ko na siya at brother in law (kahit malayo) ko na rin si Xian! Hahaha! Nakakamiss rin pala yung lalaking yun kahit isang araw ko lang sya nakilala.

 

“Bakit nyo po ako pinatawag?” tanong ko sakanila

 

“Our wedding is next month Saeng.” Sabi sa akin ni Ate/Unnie. Saeng means younger sister/brother.

 

“Really? Saan naman yung venue?” tanong ko habang kumakain ng tinapay.

 

“Sa Philippines.” WHAT?! Sa Pinas?! Bakit? Parang nabasa Ni Unnie yung isip ko kaya pinaliwanag nya.

 

“Doon kasi kami nag-kita ni Hubby e.” tinutukoy nya si Kuya Kristof, yun kasi yung tawagan nila e. “kaya doon kami mag-papakasal diba Hubby?” tanong nya kay Kuya Kristof. Osige na, sila nang sweet ako nang bitter. Haay life.

Kung doon sila mag-papakasal at ako ang nag-iisang kapatid ng bride which means na ako ang bride’s maid at kailangan nandoon ako! Whatda!

***

Nag-lalakad ako papasok sa school, kasama ko ngayon si Starr. Wala na kaming ibang kaibigan kasi gusto namin kami lang ang nag-kakaintindihan. International school kasi ‘to kaya may mga half half at marunong mag-english.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon