Ay Nako Mali!

spinner.gif

Hindi po ito one shot, um pero i hope you'll enjoy it. 

Nainspire lang talaga ako dun sa character ni Jang Geun Suk sa Marry Stayed Out All Night, si Kang Moo Kyul. My gosh super patay na patay ako dun. haha. sorry naadik lang. :p

vote, comment, fan, o kung ano man basta please support! salamat ng marami. =))

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 As usual, nakatitig na naman ang mga tao habang naglalakad sa hallway si Katarina. Sikat e, iba na ang sikat. Maganda, mayaman, matalino san ka pa. Pero iba rin ang ugali nitong si Katarina. Kung maglakad siya para bang wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kanya, taas noo lang siya at nakastraight ahead. Pero ang totoo natutuwa siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga tao.

 

16 years old na si Katarina, tagapagmana siya ng kompanya ng kanilang pamilya pero wala talaga siyang alam kung paano niya iyon patatakbuhin ng maayos. 4th year high school na siya at ngayon pa lang siya ittrain para sa pagpapatakbo niya ng kompanya. Walang kaibigan si Katarina sa school kasi suplada siya, spoiled brat, at maarte. Pero ganon pa man madami ang nagkakagusto sa kanya, maganda e.

 

Walang masyadong interesting ang nangyari sa school, school is such a boring place. Paguwi ni Katarina sa bahay may sinabi si Mom Marjorie, ang Mommy ni Katarina.

 

"Katarina, there's something you have to do for our company. Dapat ngayon pa lang alam mo na kung paano magconvince ng mga tao okay?"

 

"Sure, mom. What do you want me to do?" Sagot ni Katarina, mabait siya sa Mommy niya, syempre ayaw niyang pumangit ang tingin sa kanya ng Mommy niya, e di hindi nasunod ang mga luho niya.

 

"You should make your cousin Rizelle to sponsor one of our projects." Si Rizelle ay three years older kay Katarina, nag-aaral pa rin siya ngayon pero namamahala na siya isang parte ng family business nila. Hindi maganda ang relasyon ni Katarina kay Rizelle kaya grabe na lang ang reaksyon nito nang malaman niya.

 

"WHAT?! NO!"

 

"Sumasagot ka na sa Mommy mo ngayon?!" Ay hinde, pero grabe kasi lahat lahat naman bakit ito agad ang kailangang gawin ni Katarina di ba?

 

"Fine, i'll do my best." Iyon na lang ang nasabi ni Katarina, may magagwa pa ba siya? Syempre wala.

 

Bukas na bukas rin after class pupuntahan na ni Katarina si Rizelle.

 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

kayy done first chapter, please support sabihin niyo na lang kung pangit at hindi ko na itutuloy to. haha. joke. salamat sa suporta mwah! =))

Comments & Reviews (44)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Maybe We're Friends? (Ḱᗩ♈ᖺﬡᓰᗴᒪ) -ABANDONED!HEARTPRINT ON MY MIND (Book 1: In the Name of Love)ANG PAGHIHIGANTI NI NERD [no updates here]MEET THE JERK