Epilogue

6.7K 121 26
                                    

EPILOGUE

(10 months later...)

Mandy's POV

"Mandy, anak, bilisan mo na diyan. Ikaw na lang ang hinihintay." Narinig kong tawag sa akin ni Mommy mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo. Eto na!" Sabi ko.

Tiningnan ko pa ang sarili ko sa full length mirror. Okay na itong suot ko. Isang sleeveless na baby pink dress na above the knee ang taas. Tinernohan ko ito ng  white doll shoes na may design pa na ribbon.

Sabi kasi ni Trina, mag-ayos daw kami at magpaganda ngayon. Kaya hirap na hirap ako sa kakahanap ng damit. Ewan ko sa kanya kung bakit. Eh pupunta lang naman kami sa memorial park.

Birthday ni ate ngayon. 23 years old na sana siya ngayon. At isecelebrate namin ito sa puntod niya.

Haay, namimiss ko na siya. Ang lungkot kapag wala siya.

Pero sabi nga niya, ngumiti lang kami parati.

Ayaw niyang nakikitang malungkot kami.

Inayos ko pa ng kaunti ang buhok ko at nang makontento na ako sa itsura ko, kinuha ko ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

"Dalian mo na anak." Sabi ni Mommy habang may dala-dalang tupperware. Nagdala rin kasi kami ng mga pagkain.

"Opo. May kailangan pa po bang dalhin Mommy?" Tanong ko sa kanya.

"Wala na. Nandiyan sa coffee table ang susi. Ikaw na ang maglock na pinto." Utos niya sa akin.

"Opo." Sinunod ko naman siya.

Pagkalabas ko ng bahay, nilock ko ang pinto pati na rin ang gate.

May itim na van na naghihintay sa labas. Iyon ang service namin patungo sa memorial park.

Pagpasok ko, nagulat ako sa mga itsura ng mga kasama ko.

Nasa loob sina Trina, Calvin, Klein at ang girlfriend niya na si Glai, at si Jules. Pawang naka-shirt and jeans lang sila.

"Akala ko ba mag-aayos?! Eh ba't ganyan suot niyo?!" Pinandilatan ko sila ng mga mata.

"Sorry BF, nagmamadali na kasi kami eh. Kaya hindi na kami nakapag-ayos ng bongga. Pero infairness, ang ganda mo ngayon ah!" Nakangisi na saad ni Trina.

"Psh, eh sa malamang pinagtitripan niyo na naman ako! Nakakainis naman kayo eh." Naiirita na saad ko habang pumapasok ako sa loob ng van. Sa gitnang parte ako umupo. Katabi ni Mommy at ni Trina.

Nagsitawanan naman silang lahat. Aish! Pinagtitripan talaga nila ako! Kainis.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon