Uy! Pa-kopya!

135K 3.3K 1.1K
                                    

Hindi ako nakapasok sa unang dalawang linggo sa unang buwan ng pasukan dahil sa asthma kaya heto ako, kahit walang pasok eh kailangang pumunta ng school para kumuha ng special exam. Pero hindi ako magkaroon ng failing grade at para hindi ko na kailangan ng make up class. 

Saturday ngayon at sigurado akong ako lang from our section ang pupunta dito sa campus. Hindi ko talaga kasi kayang pumasok last time. Nang i-text ko si Miss Shaina, isa sa mga school heads, para sabihin na hindi ako makakapasok eh sinabihan niya akong pumunta sa araw na ‘to dito sa campus.

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa school premises. Walang katao-tao sa hallway, at kung meron man, for sure eh andun sila sa gym o sa recreation building. Two months, parang ang daming nagbago dito sa academy. Iba rin talaga ang pakiramdam kapag galing ka sa bakasyon.

Dumiretso na ako sa classroom namin. Doon rin kasi kami magkikita ni Miss Shaina. Syet. Nakakatakot rin pala dito sa room kapag walang tao.

Umupo ako sa unahan.  Ano kaya ang i-exam ni Miss Shaina?

After ilang minutes eh dumating na si Miss Shaina.

“Andito ka na pala Gail,” she said habang ibinababa ang mga gamit niya sa table. Ako nga pala si Gail. Senior student. At si Miss Shaina ang English teacher namin. 

“Ayoko po kasing ma-late eh at gusto ko rin matapos agad ang exam,” sagot ko.

“Ganun ba? By the way, the type of your exam will be essay.”

“Ganun po ba? Pwede ko na po bang simulan ang exam?”       

“Sure.” Tapos iniabot saken ni Miss Shaina ang test paper nang may mapansin ako.

“Miss Shaina, may kasama pa po ba akong magti-take ng special exam?” Napansin ko kasing dalawa ang hawak niyang test paper, iniabot niya saken ang isa at iniwan ang isa sa mesa.

“Ah oo, may kasabay ka Gail,” sagot niya.

“Sino po Miss Shaina?”

Sasagutin na sana ako ni Miss Shaina nang biglang tumunog ang phone nito. For sure may nagtext dahil nakita kong tila nagbabasa siya. After niyang tingnan ang cellphone niya eh bumaling siya saken at ngumiti.

“Kailangan ko munang umalis Gail. Babalikan na lang kita mamaya. Pakibigay na lang sa darating mong classmate ang test paper na ‘to.”

“Eh Miss Shaina sino po----“

Okay. Lumabas na siya ng room. Nice talking Ma’am!

Sinimulan ko na ang exam ko. Shete! Inaantok ako. Kung sana’y nakapasok ako kahapon, edi sana nasa bahay ako ngayon at nagpapahinga.

Haaay. Sino kayang classmate ko ang kasabay ko mag-special exam ngayon?

15 minutes na ang nakalilipas pero 2 questions pa lang ang nasasagutan ko. Ang hirap naman kasi ng mga tanong eh. Kaloka! At isa pa, antok na antok na ako! Wala namang ibinigay na time limit si Miss Shaina kaya pwede naman sigurong umidlip muna ako.

Pero hindi eh, kailangan kong tapusin ang exam agad-agad at nang makauwi na ako..

Pero pwede rin namang umidlip na muna ako di  ba?

Pero hindi eh, exam ‘to eh!

Pero --------------

Uy! Pa-kopya! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon