Chapter 6: Girlfriends

333K 5.3K 543
                                    


Chapter 6: Girlfriends

Bella's Point of View

Pabagsak na inihiga ko ang aking sarili sa kama. Napagod ako sa nangyari kanina, mukhang bukas ay hindi ako susuwertihin. Bakit ko nga ba pinatulan ang mga iyon? Marahas na napabuntong hininga na lamang ako. Alas-diyes pasado na ng gabi at ngayon lang ako nakauwi. Tumayo ako para mag-shower, nang tatanggalin ko na ang aking bra ay napasulyap ako sa salamin ng tokador.

I frowned at the sight na kumuha ng atensyon ko. Humakbang ako palapit sa salamin at muling tinitigan ang kanang braso ko. Banayad kong hinaplos ang aking Black Butterly na tattoo. Naaalala ko ang Japan sa tuwing tinititigan ko ito. Pumasok na ako sa banyo at nagshower.

I'm Bella Echizen Smith, 18 years old. I was trained to be strong like a man and expertised all martial arts dahil natakot ang mga magulang ko sa nangyari sakin no'ng bata pa ako. Na-kidnap kasi ako noon, na sabi nga ni Lolo sa sulat ay kagagawan niya.

After ten years, bumalik ako sa motherland ko para pagbigyan ang hiling ni Mommy. Nakakalungkot isipin na hindi ko na makakasama ang mga katropa ko lalo na ang mga bestfriends ko na sina Taki, Kuya Rei, Natsume, Ress at Ryuuji. Wala nang gulo, away, asaran at motorbike showdown akong masasaksihan pero nakapag-decide na rin kasi ako na babaguhin ko ang aking sarili para maranasan ko naman ang maging ordinaryong babae.

Pero may isang problema. Paano ako magbabagong buhay kung may devil sa eskuwelahan? Paano ko matitiis ang mga pambubully niya sa kapwa kong estudyante? Mananahimik na lamang ba ako? Hindi ko talaga kayang sikmurahin ang ganoong bagay.

Nang makalabas ako ng shower room ay agad akong nagpalit ng aking pantulog. Napaisip na naman ako, sigurado akong hindi ako titigilan ng lalaking iyon. Napailing na lamang ako. Kailangan ko nang matulog.


Kinabukasan sa Red Dragon University

Inaantok na naglalakad ako patungo sa aking classroom.

"Bella Uy."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. "Eh? Who are you?" kunot-noong tanong ko sa dalawang lalaki.

"How dare you para kalabanin mo ang lider ng Black Dragon Gang!"

"Ahhh...you're one of them," tumatango-tangongg sambit ko sa kanila.

"Prepare yourself to die!" bulyaw naman ng lalaki.

Walang anu-ano'y sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Nagising bigla ang aking diwa. Sh*t! No choice! Pumikit ako ng mariin, tumalon ng mataas at lumanding sa puno ng Narra.

Tumba ang dalawa. 'Yan tuloy, sila ang nagkasuntukan. Mahirap talaga kapag sugod nang sugod, napailing na lang ako sa nangyari. Mukhang kailangan kong mag-ingat ngayon. Hindi lamang ito ang mae-encounter ko.

Tumingin ako sa paligid, nagpasalamat ako at walang taong nakakita sa ginawa ko. Nakahinga ako ng maluwag at bumaba na ako sa puno. Nang mapatingin ako sa aking relo ay napamura ako. Male-late na naman ako! Dali-dali akong tumakbo patungo sa una kong subject.

Hingal na hingal akong nakarating sa classroom ko. Nagpapasalamat ako na wala pa ang prof namin. Pagpasok ko, lahat ng classmates ko ay nakatingin sa akin, may mali ba sa itsura ko? Ang mga lalaki ay nakangisi samantalang ang mga babae naman ay inirapan lang ako. Sh*t! What a great way to start the day!

Huminga ako ng malalim at nagtungo sa bakanteng upuan. Uupo na sana ako pero may bruhang naglagay ng bag sa upuan.

"This seat is not available," maarteng saad niya.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon