Previous Page of 4Next Page

Reyna ng Kamalasan .ƒĢ. (Ongoing Series)

spinner.gif

PLEASE READ FIRST BEFORE YOU VOTE OKAAYS?

 

CHAPTER XXXIV- SILVER

 

+______________+

 

 

“Ligaw?” sagot ko kay Zylie

 

 

Manligaw daw? Sa totoo lang… (-___-) Hindi pa ako nakakaranas manligaw. Teka bakit ko ba kasi sinabi sa kanyang dapat kami na! Pshhh. May mga ilang nakarelasyon na din ako dati pero parang yung iba trip trip lang… tska ang madalas… yung babae ang… nanliligaw… hindi… I mean… yung babae ang nagiinitiate.

 

 

>,<

 

 

“WALA!”

 

 

Parang napahiya siya, tapos namula siya. Ang kyot talaga! Pero kasi. Anong sasabihin ko… ‘sige zylie liligawan na kita’ o kaya ‘sure manliligaw na ako’ HINDI KO ALAM! Hindi talaga ako marunong nun. Mas lalong magagalit siya kung sasabihin kong hindi ako marunong manligaw.

 

 

“Wala talaga?” tanong ko.

 

 

Inirapan niya ako. Ano ba naman toh? Nagpapahalik na naman siya sa akin. Tska… Hinintay niya pa nga ako ngayon para lang sabihin na wag ipaalam sa kaibigan niya ang mga ginagawa namin. Eh ano ba ginagawa namin? Masama ba? Nagkakataon lang na walang nakakakita palagi. Laging kaming dalawa lang kapag… kapag niyayakap ko siya. Kapag hinahalikan ko siya.

 

 

“BASTA WAG MO NANG SASABIHIN SA IBA!”

 

 

“Okay.” Sabi ko. Madali naman akong kausap eh.

 

 

“HA?” parang nagulat pa siya.

 

 

Ano ba tong si Pancake. Gusto niya ba talaga na itago ko na lang sa sarili ko o sasabihin ko sa iba? Ang gulo!

 

 

“WALA!”

 

 

“Ano nga kasi yun pancake???”

 

 

“Wag mo na akong tawaging pancake! Gusto mo wag mo na rin akong lapitan eh!”

 

 

Ano ba to ang gulo-gulo naman. Ano na naman kaya ikikakatampo niya?

 

 

-_____-

 

 

Naglakad na siya palayo. Syempre hinabol ko.

 

“Hi Silver!!!”

“Good morning Silvy!!”

“Hi Jeremy!”

 

 

Dami namang bumabati. -_____-

 

 

“Low” sagot ko para makadaan lang. Dami nila eh.

 

 

“Hmpf!”

 

 

Tama ba yung nakita ko? Inirapan ako ni Zylie.

 

 

“ZYLIE!” tawag ko sa kanya.

 

 

“BAKET!?” malakas na sagot niya. Ang nakakatawa tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya humaharap. Nakikipagusap ng nakatalikod?

 

 

“Punta ako sa inyo mamayang gabi.”

 

 

“Totoo??” tanong niya. Tapos humarap na siya.

 

 

“Oo.” Sagot ko. Ano ba yun kasi. Kasasabi ko lang. Para ba akong nagbibiro. Kurutin ko to eh.

 

 

“Ahh. Bakit??” parang nagqquestion mark pa yung dalawang mata niya.

 

 

“Ahhh—”

 

 

“ZYLIEEEEEEEEEE!!!!”

 

 

May tumwag sa kanya. Istorbo. Lumingon kami sa pinanggagalingan ng boses. Yung Alyanna nga. Kasa yung isa niya pang friend.

 

0_0

 

 

Nakita ko natensed si Zylie.

 

 

“Oy Zylie! Sabi mo may nakalimutan ka! EH kanina ka pa naming tinatanaw mula doon oh!” turo nung kaibigan niya sa bintana sa second floor. “Nandoon kami tapos… Kanina mo pa kinakausap itong si…” tumingin siya sa akin. “Si Silver Jeremy…”

 

 

Nag…papacute sa akin yung kaibigan niya. -______-

 

 

Huli kami.

 

 

“Wala pa akong sinasabi ah…” bulong ko kay Zylie.

 

 

“Uhmmmnggg” sabi niya habang nakapout. Cutiee.

 

 

“Baka naman… Kung ano na ang sinasabi mo ah!!!” sabi na naman nung Alyanna.

 

 

“Zylie chinismis mo na agad?” mahinang sabi naman nung Mikaela.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (456)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Recommended

Mission101: EscapeYellow :3 (On-going)Photographers DiaryLove At First Sight ♥