Chapter 1

181K 2.4K 392
                                    

A Flashback

May mga pagkakataon sa buhay na sinasabi nilang"UNEXPECTED"

Yung mga pagkakataong bigla nalang MAGPAPANGITIMAGPAPAGULAT O MAGPAPALUHA sayo

Na kung minsan at biyaya kung maitatawag pero kung minsan naman ay pagsubok ika nga

Pero alam nyo ba kung anong pagkakatulad nung mga bagay na yun?

Ang lahat ng iyon ay magiging bahagi ng iyong pagkatao

Na uukit sayo ngayon at sa darating na panahon

"Hindi ko talaga inaasahan ang pangyayare sa buhay ko ngayon"

Yan yung paulit ulit kong sinasabi simula nung naging di inaasahan ang mga tagpo sa buhay ko at ng pamilya ko eh kasi naman, sino ba naman ang mag aakala na ang isang simpleng pamilya ng magbubukid ay bigla nalang yayaman sa isang di lang thousand richer, di rin a million richer kundi

A BILLION RICHER,


Oo, ganyan yung pag angat ng buhay namin at siguro nagtatanong kayo kung paano? Heto kasi yun


(FLASHBACK)

Sa BOHOL

Araw araw nakagawian ko nang maglakad kasama ng mga kaibigan ko galing sa eswkelahan papuntang bahay, nakakapagod din yun kasi ilang kilometro din yung nilalakad namin para makapag aral lang pero ganyan naman ang buhay, sanayan lang kumbaga, so heto na nga isang araw nun habang pauwi na ako sa bahay ay narinig ko na naman sila inay at itay na nagtatalakan

"Naku Therese yung inay at itay mo oh, nagtatalakan na naman, hahaha" sabi nung kasama ko

"Oo nga eh, Mauna na ako ha, kasi baka mag away na naman tong dalawang to" sabi ko

Nung palapit na ako sa bahay naming eh dinig na dinig ko na kung ano na naman yung pinagaawayan ng dalawa,

"ANO KABA BERTO! DI KA BA TITIGIL SA PAGTAYA DYAN SA WALANG KWENTANG SUGAL NA YAN?" sigaw ni nanay

"MARTA naman, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi nga sugal ang lotto!" paliwanang ni Itay

Oo, tama ang nababasa nyo, lotto yung pinag aawayan nila, heto naman kasing si itay, simula nung nanalo nung alam nyo yun? Yung swertres, eh ayun nalulong na hanggang sa yung mamahalin na ticket naman yung napagdiskitahan nya, yung tig bebente? Basta! Ewan ko kung ano yun siya lang naman may alam nun, nagtataka nga ako bakit lulong sya dun, e wala naman kaming nakukuha sa pagtataya nya pwera nalang na sabihin nyang

"Sayang Marta muntikan na sana akong Manalo, sayang, nakakainis"

Oo yan, yang mga salitang yan na ikinagagalit ni inay, naghihikahos na nga kami, nakukuha paring tumaya ni itay at alam nyo bang kailangan pa nyang mag kabayo ng mga isa at kalahating oras para makarating sa lungsod?  Para lang makataya? Grabe si itay.

Maski ako nga hindi pa ako nakakapunta sa bayan, dito lang sa bukiran namin umiikot yung mundo ko at di ko alam kung ano bang mukha nung sa bayan, base kasi sa sinasabi nila, magulo daw.

"HA? ANONG SINASABI MONG DI SUGAL EH NALULULONG KANA NGA SA BISYONG YAN, TUMATAYA KA NG PERA WALA NAMAN TAYONG NAKUKUHA, E ABER ANONG SINASABI MONG DI SUGAL YAN!" sigaw ulit ni inay

"MARTA DI MO BA NABASA SA TICKET Yung markang PCSO?" sabi ni itay

"ANONG PCSO PCSO sinasabi mo dyan, kahit ano paman yan, sugal pa din yan" sumbat ulit ni nanay

The Ignorant Princess (With TV Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon