{ TBUP -37: Hating Him *Part 2* }

398K 7.9K 1.3K
                                    

{ TBUP 37: Hating Him *Part 2* }

 

 

 

 

--Ericka’s Pov--

 

Gusto mo akong matikman?

Kahit kaakit-akit –este gwapo siya *ahem* eh syempre magiging kapatid ko na siya! Kaya bakit ko naman siya titikman? Pagkain ba siya? Ayy hindi pala ‘yun ‘yung ultimate question kundi…

…MASARAP BA SIYA?

Lol ay sht. Bat ganito ang pag-iisip ko?! Bakit nagiging manyak na ako?! Kailan pa na-pollute ang aking innocent mind?! Gash! K, enough with the drama! Bat kasi ‘tong future kafated ko eh hindi ko maintindihan! Kapag minsan sobrang sungit, ‘pag minsan naman parang tanga lang! Ano ba talaga?!

So dahil ang lapit-lapit niya, eh hindi ko maiwasang tignan ang lips niya. Pulang-pula talaga eh! Punong-puno ng dugo!

So hahalikan ba niya ako? Gagahasain? Ano?!

Taena! Taena talaga! May naalala ako T^T Naalala ko kasi si Psyche, ‘yung labi ni Psyche. Pucha nami-miss ko na naman siya! Kahit anong gawin ko para hindi ko siya maalala or maisip hindi ko pa rin magawa! Palagi pa rin siyang sumasaglit sa isip ko! At dahil nga sa labi ni Colosseus naalala ko na naman ‘yung kissing scene ni Psyche kasama ‘yung Irish. Put@ naman oh! Sa lahat-lahat na nga lang ng maaalala ‘yung kissing scene pa nila! Hindi ba pwedeng ‘yung kissing scene namin?! Sht!

Nang maalala ko ulit ‘yung sakit na naramdaman ko nang nasaksihan ko iyon eh hindi ko alam kung bakit ko biglang naitulak si Colosseus ng sobrang lakas! Bigla nga siyang nahulog sa sofa eh, buti na lang naitukod niya ‘yung kamay niya. Sht! Bakit ang sakit pa rin sa puso?! >_____<

Sht.” Sambit muli ni Colosseus sabay tayo at akyat sa hagdan.

Ako naman eh biglang natauhan sa ginawa kong katangahan sa kanya. Bakit ko ba ‘yung naitulak?! Taena talaga wala na naman ako sa tamang pag-iisip! Bruhang Irish at gagong Psyche kasi sumiksik pa sa isip ko! Si Colosseus tuloy napag-diskitahan ko. Kung bakit naman kasi ang lapit-lapit nung pyutyur kafated ko sa akin ‘di ba? Hindi ba siya aware na baka siya ang gahasain ko? Chos!

Pumanhik din ako sa taas para tanungin siya kung ayos lang siya. Syempre baka maging kontrabida na naman ‘yun eh! Tyaka may sugat pa siya sa kamay eh. So pasimple akong dumaan sa tapat ng kwarto niya, at maswerte naman akong may naiwan siyang siwang sa pinto niya. Ay yuck bat parang ang manyak ng dating ko? Ako ‘yung naninilip eh! xD

Sinilip –ang pangit talaga nung term ko! Para talaga akong pervert >____< Yaan na nga, so ayun sumilip ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang iniikot-ikot ‘yung kamay niyang naitukod niya kanina nung tinulak ko siya. Bat parang ngumingiwi siya? Nasaktan kaya siya? Napilayan ‘yung kamay? O____O

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon