{ TBUP -1: The Reason Why }

1M 22.2K 8.1K
                                    

 TBUP –1: The Reason Why }

 

 

Wednesday ngayon at free day namin. Ewan, siguro tamad na ang mga teachers namin. Kaya nandito kami ni best sa canteen, ako kumakain ng hersheys, siya nagbabasa ng pocket book.

 

Ay best, tignan mo ‘yung dalawa run sa sulok.” Sambit ko sabay kalabit sa bespren kong nagbabasa ng pocket book.

Ibinaba niya ‘yung libro niya at tumingin siya sa akin. “Saan?” Tanong niya.

Paano mo makikita eh nakatingin ka sa akin?” Tanong ko sa kanya. “Ayun oh.” Sabay pihit ng ulo niya.

Ano best, anong hula mo?” –Ako.

Tss, huwag na. Ikaw lang naman mananalo eh.” At bumalik ulit siya sa pagbabasa ng libro.

Hinablot ko ‘yung libro sa kanya. “March! March sila magbre-break!

Akin na nga ‘yan!” Kinuha niya ‘yung libro sa kamay ko at nagbasa ulit. “April.

Yan ang gusto ko sa’yo best eh!

Hindi lang naman talaga ako ang Break-Up Planner sa school na ito eh, dalawa kami ng bestfriend kong si Carmeen, pero pinipilit ko lang siyang manghula para may thrill! May kapustahan! Mwhahaha!

Siguro tinatanong niyo kung bakit ako ganito nu? Ewan ko rin eh, ang weird-weird ko. Sabi nila pinaglihi raw ako kay Madam Auring. Pero yuck? Paano ‘yun nangyari eh hindi naman naniniwala sa hula ang nanay ko.

My name is Athena Ericka Artemis and I’m the certified Break-Up Planner.

Dalawa ang pangalan ko but just call me Ericka, ayoko kasi nung Athena eh.

ATHENAAAAAAAA! SI CHRON!!” Sigaw ni Carmeen papalapit sa table na kinaroroonan ko.

Putik Carmeen! Di ba sabi ko sa’yo, Ericka? Ilang taon na tayong magkaklase?!

Eh kasi, mas maganda ‘yung Athena eh. By the way, parating na si Chron!” Sabay hampas sa akin.

So kailangan hampasin mo ako? Paki ko ba sa Chron na ‘yan? Teka, may babae bang kasama?

Tignan mo ‘yan! ‘Yan ba ang walang pake ha Ericka?

The Break Up Planner (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon