Chapter 1

1.7K 8 2
                                    

EDITED VERSION

<3

-----------------------------------------------------------------------

Laurice's POV

"Heto ako, basang basa sa ulan..

Walang masisilungan,

walang malalapitan..~~"

Oo, nakanta ako habang naglalakad sa ilalim ng ulan. Pano ba naman kasi, lokang loka na ako sa nangyayari sa buhay ko.

Una, yung mom ko, nagkaron ng malaking halaga na utang sa isang shark loan.

Pangalawa, yung kapatid kong bunso, si Kyle, bayaran na ng tuition niya.

Pangatlo, iniwan ko ang boyfriend ko. Pareho na kasi kaming walang oras sa isa't isa at saka problemado pa ako. Dadagdag pa siya.

At marami pang iba..

Hindi ko alam gagawin ko ngayon. Patong patong na mga problema ko.

Haaaay.

Patawid na ako sa kabilang kalsada na tulala ng biglang may humaharurot na sasakyan.

Di ko magawang humakbang palayo dahil sa takot kaya napapikit na lang ako at pinangharang ang mga braso ko sa ulo ko para panangga sa head injury.

*beeeeeeeeeeeep*

*screeeeeeeech*

Dahil sa takot, napahiga ako kaso natungkod ko ang siko ko. Narinig ko ang mga bulong bulungan ng mga tao sa paligid ko. So ibig sabihin, di ako nasagasaan.

Di pa ako patay!

Napadilat ako ng marinig ko ang malumanay na boses ng lalaki.

"Are you alright?"

Iniscan niya ang katawan ko kung may sugat o pilay.

Napatingin ako sa kaniya ng dahan dahan.

-O-

Nganga.

Ang gwapo.

No, underestimate kapag gwapo lang. Isa siyang God!

Pinitik niya ang hinlalaki niya at hintuturo. Napapitlag ako sa gulat.

"Hey, I'm asking you if you're alright?"

At hinawakan niya ako sa braso ko. Napangiwi ako. Napatango na lang ako dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

"You're hurt. I'm taking you to the nearest hospital. Alright?"

Ayoko sana kaso di ako makapagsalita pa din. Inalalayan niya ako pasakay ng sasakyan niya, ganun din siya at pinaandar na niya ang kotse papuntang hospital.

At hospital.

Nandito ako ngayon sa Emergency Room. Ginagamot ng isang gwapong doctor ang sugat ko.

Napapangiwi ako kapag mahapdi. Hinanap ko yung lalaki kaso wala. Di ko siya makita.

"Hinahanap mo ba yung lalaking kasama mo?"

Napatingin ako sa kaniya ng tignan niya ako. Umiling lang ako kahit oo ang sagot.

Napailing siya na nakangiti. "You know what, you're beautiful."

Nagblush ako sa narinig.

Then tumingin siya sa likod ko and he chuckled.

"Hey coz!" Nagulat ako sa boses na nanggaling sa likod ko.

Love and War (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon