Chapter Thirty Three

1M 13.4K 4.2K
                                    

I've been home from the hospital for a week now. Kahit kailan hindi sila nagbanggit o nagtanong tungkol sa pagbubuntis ko. I know they're having a hard time accepting the fact that I'm pregnant. Hindi ko naman sila masisisi. Malaking eskandalo ito kapag nalaman ng ibang tao lalo na ngayon na alam na nilang engaged ako kay Jason.

Palaging bumibisita dito si Jason. Of course, he doesn't know anything about it yet. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa itong itago. Why don't they just tell them the truth and break off the engagement? Bakit kailangan pang patagalin? Sooner or later it will show. Lalaki din ang tiyan ko at malalaman ng lahat na buntis ako. 


Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mom popped his head through the door. "Andi, honey."

"Mom?" Ibinaba ko ang librong binabasa ko.

"How are you feeling?" Pumasok si mom sa kwarto at umupo sa gilid ng kama.

"Good." Sagot ko.

"Get dressed, okay? May appointment ka sa doctor ngayon." Sabi niya.

"I'm not sick. Why do I need to see the doctor?" Tanong ko.

"Para sa... baby." Tumingin siya sa tiyan ko and quickly looked away.

I smiled. At least kahit paano concerned sila health ng baby ko. Does this mean na tanggap na nila ang kalagayan ko? Sana nga. 

"Thank you, mom." I hugged her.

"O-ok, get dressed na. I'll wait for you downstairs." Bumitaw si mommy sa pagkakayakap at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Pagkalabas ni mommy agad akong bumaba sa kama at pumunta sa closet. Namili ako ng damit na susuotin. After I got dressed I went downstairs. Nakaupo si mommy sa living room at naghihintay sa akin.

Sumakay kami sa kotse at siya ang nagdrive. Hindi nagsasalita masyado si mommy habang nagdadrive siya. Which I find really weird dahil hindi ako sanay na tahimik siya. She always has something to say. 

Makalipas ang ilang minutong biyahe nakarating na kami sa hospital. Pumasok kami sa loob ng ospital at sumakay sa elevator. Bumaba kami sa 5th floor at nilakad namin ang mahabang hallway. Huminto si mommy sa harap ng pinto sa pinakadulo. Kumatok siya at pinagbuksan kami ng isang babae.

"Good afternoon, Mrs. Cordova." Nakangiting bati nito sa kanya.

"Good afternoon." Pormal na sabi ni mommy.

"Please, come in." Sabi ng babae.

Pumasok kami sa loob ng kwarto. 

"Dad?" I was surprised when I saw dad sitting in front of the doctor's desk. Natigilan siya sa pakikipag-usap sa doctor at tumingin sa akin. Why is he here too? 

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon