Chapter Fifty One

198K 2.6K 429
                                    

Tumakbo agad si Noneen at dumiretso sa bulletin boardnila. Nakita niyang napapalibutan ng maraming estudyante ang bulletin board. Yung iba mga nagbubulungan, yung iba mga nakatulala sa picture, yung iba nagsisiksikan, at yung iba naman mga nakanganga lang; di makapaniwala sa nakita nila. Napalunok siya, tsaka siya nakisingit sa mga estudyanteng nakaharang hanggang makita niya ang halos isang bond paper na picture na naka-attach sa bulleting board.

Kung isang normal na tao, titingnan mo ang picture parang ang sweet, ang cute na couple na magkayakap.

Pero kung isa kang magaaral sa eskwelahan nila, ang iisipin mo, nakakadiri, nakakahiya, mukhang desperada yung babae sa picture, mukhang clingy yung babae. 

Suminghal siya. 

Nga naman, kung manakto ang tadhana. Sa lahat ng picture, eto pa yung nilabas? Kung saan mukha syang hashtag desperada. Nice one.

Napatingin sya sa nakalagay sa baba nito tsaka niya binasa.

"Stop acting like an innocent slut."

Para naman kinabog siya sa nabasa niya. Slut? Agad? Sobra naman ata yun ha. Naramdaman ni Noneen na para bang nagtutubig na ang mga mata niya. Di niya alam kung ano ang gagawin, kung ano ang sasabihin, ang alam lang niya nasaktan siya sa nakita at nabasa niya ngayon at nahihiya siya para sa kanya at para kay Lawrence.

"Nakakahiya naman siya, sa lahat ng pwedeng landiin professor pa talaga??"

"Kala mo kung sinong mabait at pavirgin. Jusko."

"Kawawa naman si Sir Lawrence naaargabyado dahil uhm.. sa isa dyan."

"Nga naman alhat ng tao may tinatagong landi di ko lang akalaing ganyan pala yung sa kanya."

"TAMA NA NGA!! MGA PUNYABERES DIN KAYO NO KUNG MAKAPAGSALITA KAYO NO KALA NYO KUNG SINO KAYONG BANAL JUSKO IN THE NAME OF MOTHER JUMBAEGERS THE NEGRETERS THE HOLY BERNATUTS MAGSILAYAS KAYO KUNG DI JOJOMBAGIN KO MGA FESLAKUS NYO. LARGA ALIS CHUPE!!!"  Sigaw ni Rhian sa mga estudyanteng nakapaligid sa kanila ngayon. Nagtakot at nagulat naman yung iba kaya mga nagsialisan, yung iba naman nairita lang kay Rhian at yung iba nagmonologue muna bago umalis.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon