Chapter 14

257K 2.9K 265
                                    

"Ako na lang.."

Nag-iwas ako ng tingin. Kahit nalilito man ako sa pinagsasasabi nya, somehow.. parang naiintindihan ko ang sinasabi niya, ayoko lang maging panatag. Ayokong mag assume.

"Steph, susundin mo ba?" Pagbi-bring up nya sa wish nya 'daw', na sa tingin ko naman ay hindi siya seryoso.

"Ah.. ehh, a-ano bang ibig sabihin mo dun?" Tanong ko.

Wrong. Maling mali. Bakit tinanong ko yun? Mas lalo lang magiging awkward nito eh! I'm not sure kung ano ang sinasabi nya. Pero I have this feeling na TAMA ang iniisip ko!

Tumigil sya sa paglalakad at dahil nakaakbay sya saakin, napatigil din ako. Hinarap nya ako sa kanya. Tapos medyo yumuko sya para i-level ang mukha nya sa mukha ko.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, kung bakit sobrang uneasy ng nararamdaman ko. Hindi ako nakatingin sa mata nya. Alam ko na alam niyang kinakabahan ako.

Narinig ko syang natawa ng mahina. "You know what I mean." He wispered, then dumiretso ulit ng tayo. "Okay lang Steph, makukuha ko din yun.."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nauna na siyang maglakad saakin habang pumipito pito pa. Napangiti ako kahit hindi ko naman gaano naintindihan ang pinagsasasabi nya. Tss! Nakakatuwa lang makita syang good vibes!

Napatingin ako sa labas. Madilim na. 7:50 PM na pala. Halaaa! Hindi pa kami nakakabili ng gift ni Kris para kay Lyn!

"Hoy Kris!" Naglakad ako ng matulin para sabayan sya.

Tumingin sya saakin. "Oh?"

"Hindi pa tayo nakakabili ng regalo para kay Lyn! Iyon naman talaga pakay natin kanina diba? Nauna pa yung gala! Tss!" Kunwari naiinis kong sabi, pero sa totoo nyan masaya nga kasi nakagala ako. Ang tagal ko na ding hindi nakagala eh.

"Ah.." Napakamot sya ng ulo na parang naalala nya na. "Wag na. Wala naman akong balak na ibili yun.."

Natawa ako sa pagkakasabi niya, pero napaisip naman ako. Wala naman pala siyang balak ibili si Steph? So.. bakit kami nasa mall ngayon?

"So bakit pa pala tayo pumunta dito?" Ngiting ngiting tanong ko.

"H-ha?" Bigla syang nagpanic. Naginginig yung mga daliri nya tapos kinamot nya yung ulo nya. "Wag na wag mong iisiping gusto kitang I-date! Sh*t." Namumulang sabi nya tapos tumalikod.

PFTTT! AHAHAHA! Ano daw? Bakit nainis yun? Sobrang sineryoso naman ata? At sobrang defensive? AHA! Namula ba sya? AHAHAHAH!

"HAHAHA! Wala naman akong sinabi Kris ah? Why so defensive?"

Lumingon sya saakin. Namumula parin. "Stephanie Mae Sanchez, wag kung ano-ano iniisip mo!" Naiiritang sabi niya na parang sobrang inis na nya at sobrang pula

Hindi ko lang talaga mapigil yung tawa ko.

Lumingon ulit siya saakin. "Ano bang nakakatawa?!" Sigaw nya.

"Okay. Pft-!" Pinigilan kong tumawa. Nakakatawa kasi talaga yug mukha nya. Sobrang sungit na namumula.

Naglalakad na kami at ngiting ngiti parin ako. Hindi ko nga alam kung bakit?

Maya-maya biglang tumingin saakin si Kris. "Tsk! Hanggang ngayon ba iyon parin ang iniisip mo?" Inis na inis nyang tanong.

"O-oy hindi ah!" Tanggi ko. Bakit ba ang mainitin ng ulo nya.

"Sht! Tara! Bumili na nga tayo!" Naiinis na sabi nya.

Sinabi ko pa sa kanya na nainiwala nga ako, pero ayaw nyang magpatalo eh. Inis na inis na talaga yata?

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon