WYBHBM ~~ Chapter 56

182K 1.8K 398
                                    

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

-

RHEA POV

Agad akong napasugod sa clinic ng tawagan ako ni Ren. Nahimatay daw si Heira.

Pero bago pa ako makarating sa clinic ,nakita kong may dalawang lalaking nagsusuntukan sa hallway. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino sila.

"Ren! Cyfer!" hindi ko alam kung paano ko sila aawatin. Start na ang first subject at wala ng tao sa hallway.

"stop it!" sigaw ko. Pero parang wala silang naririnig.

"damn you! You should have shut your mouth!" sigaw ni Cyfer sabay hawak sa kwelyo ni Ren at sinuntok ito sa mukha.

"tama na,Cyfer!" hinawakan ko ang braso nya para pigilan ang muling pagsuntok nya kay Ren.

"shut up?! Gusto mo akong manahimik na lang at hayaan syang naloloko?" si Ren naman ang sumugod at tinadyakan si Cyfer. Muli akong napasigaw.

"Ren,tama na ! Ano ba!"

"stay out of this Rhea. I'm gonna break this bastard's neck. They're hurting Heira." muli sana syang susugod ng humarang ako sa gitna.

"anong ibig mong sabihin,Ren?" bumaling ako kay Cyfer na tumayo mula sa pagkakalugmok sa sahig. "sinasaktan mo si Heira?"

"I'm not-" akmang sasagot si Cyfer pero muli syang inabot ni Ren at sinuntok .

"Ren,stop it now!"

"no! He deserve it,Rhea. He deserve to be punished." hindi ko nagawang pigilan pa si Ren at kinwelyuhan ulit si Cyfer."alam kong gago ka pero hindi ko alam na ganto ka kagago! May alam ka na pala,tinatago mo pa din sa kanya!" tinabig ni Cyfer ang kamay ni Ren at tinulak ito.

"I have no right to interfere! Kung may karapatan lang ako, matagal ko na sanang sinabi. Pero ikaw,likas kang pakielamero! Wala kang karapatang makialam sa bagay na yon!"

"at ano? Hayaang may masaktan? Hayaang may magmukhang tanga? Hayaan si Heira na umasa sa kapatid mong masgago pa sayo?"

"what's going on?" gulong-gulo na ang isip ko kung ano ba ang pinagaawayan nilang dalawa.

Will you be his BABY . . .MAKER ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon