Chapter 6

29K 294 97
                                    

Ilang minutong tinitigan ni Rave yung bata. Pamilyar talaga sakanya ang mukhang iyon. Bawat pagbaling ng ulo ni Rave ay sinusundan lang ito nung bata.

Maya maya lang ay nagtype muli ito sa Ipad nya at ipinakita nya kay Rave.

Are you okay Mister?

Why are you staring at me like that?

You're scaring me.

Pagkabasa nun ni Rave ay napangiti sabay hinaplos nya yung ulo nung bata at tumayo na.

"I'm sorry if I scare you. Are you lost?" tanong ni Rave.

Tumingin lang sya sa kanan at kaliwa sabay tingin ulit kay Rave at nagshrug.

"Where are your parents?" tanong ulit ni Rave.

Nagtype muli yung bata at ipinakita ito kay Rave.

I don't know.

You're right!

I think I'm lost.

Kumunot ang noo ni Rave nung mabasa yun at nagbend down ulit para magkapantay silang muli

"Then how did you get here?" takang tanong ni Rave.

My Daddy. Ayan ang nakasulat sa Ipad nung bata.

Tumango lang si Rave.

"Come with me. Let's go find your Dad." nakangiting sabi ni Rave sabay lahad nung kamay nya.

Hindi naman nagdalawang isip yung bata at kumapit na ito sa kamay ni Rave.

Habang naglalakad sila ay panay naman ang bulong bulungan nung mga taong nakakasalubong nila.

Naalala nga pala ni Rave na hindi sya ganoong naka-disguise. Pero binaliwala na lang nya ito at patuloy lang sila sa paghahanap.

Maya maya lang ay napatigil sa paglalakad yung bata, kaya naman napatingin si Rave dito.

"What's wrong?" tanong ni Rave.

HSMS2: Only One YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon