Babaeng Puti

742 52 24
                                    

~BABAENG PUTI~

Gaya ng nakagawian, sinimulan ko ang arangkada ng aking tricycle nang alas-tres ng madaling araw.

Mas maagang pumasada, mas maagang kikita.

Mabilis ang takbo ng gulong sa kalsada. Maganda ang tunog ng makina. Para bang musika sa aking mga tenga.

Mabilis. Malamig. Damang-dama ko ang maangas na pagdampi ng sariwang hangin sa aking katawan. Walang kasing astig ang pakiramdam.

Sa may kanto ng Erlinda, nakita ko ang isang babaeng nakaputi.

Nurse siguro.

Pumara sya.

Huminto ako.

Pasakay palang sya nang agad kong mapansin ang kanyang maputlang anyo. Para bagang walang dugong dumadaloy sa kanyang katawan. Nakaramdam ako ng munting kilabot na hindi ko maiintindihan

Kasabay ng pagtaas ng balahibo ko, mabilis na binalutan ng kakaibang kilabot ang aking buong katawan. Hangang sa pakiramdam ko'y hindi na ko makagalaw.

 Ang ilang segundong ginugol ko sa pagkasindak ay gaya ng ilang oras na pagkabaldado.

Ngunit bago pa 'ko tuluyang maging gaya ng tuod, pinilit kong patakbuhin ang tricycle ng ubod bilis. 

Nakalampas na'ko ng ilang metro nang di'ko napigilang lingunin ang aking maputlang pasero. 

WALA!

Wala ang maputlang babae!

Napahinto ako. 

Imahinasyon ko lang ba 'yon? Ito ba ang epekto ng kapeng ininom ko kanina? Napailing ako. Pilit na pinaniniwala ang sarili na guni-guni lang ang lahat.

Lumingon akong muli sa kanto ng Erlinda kung saan ko nakita yung babaeng puti kanina.

Nagulat ako sa nakita ko.

Nakatayo parin doon sa kanto ang babaeng isinakay ko kanina. Doon mismo sa lugar kung saan ko sya unang nakita.

Kumaway sya sa akin. Tila nangungusap at nagsasabi...

"Isakay mo ako, pakiusap"

Hindi ko alam kung paano, pero kusang gumalaw ang katawan ko, pinaandar ang tricycle pabalik sa babaing nakaputi.

Sumakay sya.

Bumalik ang kilabot na naramdaman ko kanina. Doble. Mas matindi pa ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin.

Tuluyan nakong hindi nakagalaw.

Ngunit kusang gumalaw ang aking leeg para lingunin ang maputlang pasahero.

Nagulat ako sa nakita ko.

Naroon parin ang babaeng nakaputi ngunit napansin kong may sariwang dugong umaagos sa kanyang noo.

Nanlilisik ang mga mata nyang  nakatitig sa akin.

Gulat na gulat ako. Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.

Pero mas nagulat ako sa mga katagang binitawan nya.

Kasama ang poot at panunumbat. Sinabi nya...

WALANGHIYA KA!!! PASAKAY PALANG AKO KANINA PINAANDAR MO NA NG SOBRANG BILIS!!! NAHULOG TULOY AKO!!!  TUMAMA PA ANG NOO KO SA BATO!!! TIGNAN MO ANDAMING DUGO!!! PA-OSPITAL MOKO!!! TAE NA KA!!!

KorniKornierKorniestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon