Capitulo Kwatro: Magazine

76.5K 728 250
                                    

 © COPYRIGHT 2014. LIFE IS BEAUTIFUL PRINTING CORPORATION

"DADDY?" is now published under LIB Printing Corp. in bookstores nationwide. Please do support. Thank you! ♥

Book 1 of 2: Php129.75

For more updates:

Follow LIBOfficial on Facebook: https://www.facebook.com/LIBOfficialPage

Don't forget to vote, comment and follow. Thank you guys. :*

--------------------------------------------------

CHAPTER 4

--BOOOOOOOOGSH!

 

--BLAG!

 

VAUGHN’S POV

 

“Ay pu—“

 

Ang bilis ng pangyayari.

Bigla nalang may nakabangga sakin, napaupo tuloy ako sa may semento. Sakit nun ah. Patayo na sana ako at sisigawan kung sino man yun pero pagkatayo ko..

Napatulala nalang ako at parang naipit nalang yung dila ko, hindi ako makasalita. Napipi na yata ako. Nawala yung pagkainis ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa may tapat ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sakin?

Wala siyang reaksyon na nakatitig lang sakin. Ako naman, hindi maalis-alis yung tingin sa kanya. Mukha na yata akong tanga dito.

“Ingat ingat din ‘pag may time. Usong tumingin sa dinadaanan. Tss.” Walang kaemo-emosyon niyang sabi sabay talikod at nagskateboard na palayo.

Imbis na mainis ako, natuwa pa ata ako kasi narinig ko yung mala-anghel niyang boses. Hayy.. ang ganda niya.

Nakatingin pa rin ako sa kanya hanggang hindi ko na siya matanaw.

Shet. Tinamaan na ata ako. Totoo ba yung love at first sight? Ewan. Siguro..

Simple lang naman siya pero..

Ang ganda niya talaga. Sobra. Ano kayang pangalan niya?

Makikita ko kaya siya ulit?

Dreams, Destiny, and You?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon