Chapter 13

247K 2.8K 330
                                    

Gaya ng sinabi ni Kris kanina, binalikan na namin at tinapos ang palabas.

Walang tigil ang pag-amoy at paghalik sa balikat ko ni Kris sa loob ng sinehan. Medyo nakakairita pero.. nakakatuwa? Parang ang sweet lang.

Hindi parin mawala ang weird feeling pag tinitignan ko sya. Posible kaya? Posible bang may gusto na din ako sa kanya? Ha-Ha-Ha!! Hindi, syempre. Siguro, crush lang? Oo tama! Crush lang! Kasi sino ba namang hindi magkaka-crush sa kanya? I'm sure it's just an attraction.

"Huhuhu.." Narinig kong impit na iyak ng isang bata sa tabi namin. Nakaupo kasi kami ni Kris sa bench at nakatambay lang. Upo daw muna kasi kami. Nakatingin lang kami sa mga batang sumasakay sa mini ferris wheel.

Pagtingin ko sa kaniya, isang batang lalaki na sa tingin ko ay limang taon. Mukang nawala sya.

"Kris.. tignan mo yung bata oh. Nawala yata siya."

"Tss. Hayaan mo sya. Anong paki natin dyan?" May pagkainis sa tono ng pananalita niya pero mas lamang ang pagkakaroon ng walang kapakielaman. Tss. Ang sama naman nya.

"Kris! umiiyak na nga siya oh. Nakakaawa naman." Hindi ko naman sya sinigawan, of course! Why would I? Baka kung ano pang gawin nyan saakin eh. Medyo tinaasan ko lang sya ng boses pero mukhang hindi naman naapektuhan eh

Tumingin lang sya ng masama sakin tapos umirap. Tumayo sya at niluhod ang isang tuhod nya, pinantayan nya ang bata. Maliit lang kasi ito.

Ang cool nya tignan. Sobrang cute lang sa isang lalaki na sobrang mabait at close sa mga bata. Pero nasira lahat ng iniisip ko nung magsalita sya.

"Alam mo? Ang pabaya ng Mommy mo." Umiyak yung bata. Teka naintindihan nya?!

"Kris! Ano ka ba?!" Sinigawan ko talaga sya at tinabig sya. Tumayo sya parang naiinis pa na nasigawan ko sya. Inirapan nya pa ulit ako.

"What? Hindi ba totoo? Kasi kung hindi, edi sana magkasama sila ngayon." Nagkibit balikat sya na parang walang nangyayari, lalong umiyak yung bata.

"Shh." Kinarga ko yung bata. Hindi na ako makikipagtalo kay Kris, sino bang mananalo? Eh lagi naman siyang tama kahit mali na sya.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko.

"J-justine." Namumula na yung ilong nya pero ang cute cute parin nya.

"We'll find your mom, alright?" Sweet na sabi ko. Tumango lang sya.

"Ano ka ba steph? Ano bang paki mo dyan? Hindi mo naman kilala yan! Sht!" Napatingin ako sa kanya nung narinig ko siyang magmura.

"Kris! Ano ba! Naririnig ka nung bata!"

"So? Mas ayos na yun. Para maaga syang mamulat sa mundo." Padabog na umupo sya sa inuupuan namin kanina. Bakit ba nagkakaganyan siya?

Tinabihan ko si Kris habang karga karga parin si Justine. Ang bigat nya.

"Ilayo mo nga sakin yan." Naiiritang sabi nya. Kung maka 'Yan' naman sya, tsss.

"Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko.

"I hate kids." Bulong lang niya pagkatapos ay nagtingin tingin na lang ng mga dumadaan.

I just sighed. Ang laki ng problema nya. Bakit ang sama ng ugali niya? Nakakaasar.

"Maybe your mom doesn't love you! That's why!" Sabi bigla ni Justine. Nagulat ako sa sinabi nya. Ano ba namang bata to? Bigla bigla nagsasalita.

Tinignan ko si Kris kung ano reaksyon nya.

"What the fck do you know huh? kid?" Maangas na sabi ni Kris kay Justine.

Stephanie, The Devil's SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon