Naranasan niyo na ba na magkagusto sa isang tao?
Yung tipong unang kita mo palang ay alam mo na, na siya ang taong makakapagpasaya sayo?
Yung tao na, alam mo na agad na para kayo na talaga sa isa't isa at gagawin mo ang lahat lahat para lang magustuhan at mapansin ka niya?
Pasensya na dahil ang dami kong tanung ha!
Gusto ko lang naman malaman kung nararamdaman niyo din ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya. Gusto ko lang patunayan na lahat ng tao na nagkakagusto at nagmamahal ay ganito ang nararamdaman.
Pero paano kung yung taong mahal mo ay hindi ka pala gusto? Kung yung taong gusto mo ay may gusto palang iba?
Ipaglalaban mo ba siya o Titingin ka nalang sa iba?!
Dear Jacob Alexander Hale,
Hello po sainyo! Ako nga pala si Samantha Hillary Villaraza, Section 2.
Alam kong hindi mo ko kilala, pero maniwala ka man o hindi basta Kilalang kilala kita! Lagi kitang pinagmamasdan, bawat kilos mo nakikita ko.
Bawat galaw mo, napapanuod ko. Unang kita ko palang sayo nung First year tayo, tinamaan na ako. Hindi lang kasi tayo nagiging magkaklase eh kaya hindi mo siguro ako kakilala.
Gusto ko sanang sabihin sayo na Gusto kita! Gustong Gusto kita!
Sana maging magkaibigan man lang tayo. Matagal na kitang gusto Jacob, Matagal na matagal na...
Ps. Itext mo nga pala ako kung gusto mo. Eto number ko --> 0917*******
From,
Samantha Hillary Villaraza </3
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Magtatapat na ako bukas kay Jacob, Sana magustuhan ito niya ito, sana mapansin niya ko kapag nabasa na niya to. Putakte naman, kinakabahan na ko! >.< Hindi sana ako pumalpak sa pagbigay bukas. Hay jusme, Bahala na si Gagamboy bukas! ........
...............................................................................................................................................................................................................
Sana po nagustuhan niyo ang prologue ng story ko J Please support "Choose the Right Guy". Vote, comment & Be a fan :) THANKYOU!
Add to your private library
My LibraryAdd this story to your public reading lists