Bukas Na

29.4K 1.4K 409
                                    

Bukas Na 

By: peachxvision

Marian: O ano, okay ka ba?

Nakahiga si Rica sa kama habang hawak naman ni Marian ang mga kamay niya.

Marian: Konting galos lang yan. Malayo sa bituka. 

Rica: Alam ko okay, you don't need to comfort me. Malakas ako. Alam na ba nina mama at papa? Tumawag na ba sila from states? 

Marian: Oo, papunta na nga sila dito. Magbibigay din daw sila ng pera para dun sa family ng donor. Ikaw naman kasi, gumagala ka pa sa gabi. Ayan tuloy. 

Rica: Aba malay ko bang masasagasaan ako.

Tumawa silang dalawa.

Rica: Si Jason? 

Marian: B--bakit? 

Rica: Wala lang. Sana hindi na lang siya dumating. 

Marian: Bakit naman? 

Rica: Baka pagawayan natin eh.

Kinapa ni Rica yung Nova sa may mesa saka ibinigay kay Marian.

Rica: Paki bukas naman. 

Marian: Bukas na.

Kumuha si Rica para may manguya.

Rica: Nakakainis, hindi ko naman mailusot sa bibig ko yung Nova. 

Marian: Gusto mo isubo ko pa? 

Rica: Di ako baldado no. Teka, kailan ba daw tatanggalin tong benda sa mga mata ko? Ang sikip kaya. 

Marian: Mamaya na. 

Rica: Naks, excited na ko. Sino ba yung donor? 

Marian: (sisinghot) Si tita na lang tanungin mo. 

Rica: Hoy, umiiyak ka ba? 

Marian: Hindi. May sipon lang.

Kumuha ng tissue si Marian saka suminga.

Marian: Ay teka, may regalo ka nga pala galing kay (buntong hininga) Jason. 

Rica: For what? Di ko naman birthday. 

Marian: Pinabibigay lang niya sa kin. 

Rica: Itapon mo na lang. 

Marian: Rica, ano ka ba naman. 

Rica: Ayoko na pag usapan natin yung lalaking yun.

Binigay ni Marian yung regalo kay Rica.

Rica: O, anong balak mo dito? Wala akong balak gawin dito. 

Marian: Hawakan mo lang.

Kinapa ni Rica yung gilid ng regalo. Aakalain niyang nakabalot ito.

Rica: Paki bukas nga. 

Marian: Bukas na.

Hinawakan ni Rica yung nasa loob ng box. Mararamdaman niyang jacket ang nasa loob nito.

Rica: Jacket ba to? 

Marian: Oo. 

Rica: Para saan at binigyan niya ko ng jacket? 

Marian: Siguro dahil ang alam niya, malamig dito sa ospital. 

Rica: Funny. What a reason. Baka naman pampalubag loob dahil iniwan niya ko?

Kakapain ni Rica yung zipper ng isa sa mga bulsa ng jacket.

Rica: Paki bukas nga. 

Marian: Bukas Na.

Matatawa si Rica.

Rica: Kahit zipper hindi ko na alam kung bukas o sarado. Benta. 

Marian: Alam mo... 

Rica: Ano? 

Marian: Pinalala mo yung sitwasyon. How many times would I tell you na hindi ka niya iniwan-- 

Rica: At ilang beses ko ba sasabihin na ayoko na marinig yan! Hindi ka ba masaya? Mahal ka ng taong mahal ko! Ikaw na best friend ko... Pwede namang iba yung ithithird party niya... Bakit ikaw pa? 

Marian: Listen to me. Wala kaming relasyon! Bat ba ang kulit mo? 

Rica: Wala? Tama na. Kamustahin mo naman yung nakita ko na magkasama kayong naghahalikan? 

Marian: It was my fault! Lasing ako nun eh! Mahal ko si Jason, but he can't love me back! 

Rica: He can't love me back mo mukha mo. (mapapabuntong-hininga) Umalis ka muna, iwan mo muna akong mag-isa.

Papalabas na sana ng pinto si Marian nang biglang dumating ang mga doktor.

Doc: Iha, tatanggalin na natin ang mga benda sa mata mo. 

Rica: Makakakita na ba ako ulit after nito? 

Doc: Sana.

Unti-unting tinanggal ng doctor ang benda sa mata ni Rica habang pinagmamasdan naman ito ng isang nurse at ni Marian. Dahan dahang ibubuka ni Rica ang kanyang mga mata. Una nitong makikita ang doctor.

Rica: Doc, salamat po! Nakakakita na ako! 

Doc: Successful operation. (mapapangiti) Natutuwa akong nakakakita ka na ulit, though mahirap yan sa una, pero masasanay ka rin. 

Rica: (makikita si Marian na andun pa rin at nakatayo) Yes doc. 

Doc: Sige, iwan ko muna kayo ng kaibigan mo.

Aalis ang doctor at ang nurse. Maiiwan si Marian na nakatayo at si Rica na nakahiga pa rin sa kama.

Rica: Nakikita na kita. 

Marian: Good to hear that. 

Rica: Paki sabi kay Jason, thanks sa regalo. 

Marian: Rica... Wala na si Jason.

Magugulat si Rica.

Marian: Nahulog sa bangin yung sinasakyan niya.

Matatahimik si Rica. Tatakpan niya ang kanyang bibig dahil sa gulat.

Marian: O ano, natameme ka no? Namatay siya na hindi mo alam ang katotohanan. Ngayon, buhat ng konsensya ko yung nangyari sa inyong dalawa. 

Rica: Sabi ko sayo dati, hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan natin sa kahit ano pang bagay sa mundo. Hinayaan ko siyang iwan niya ko... Para sa kaligayahan mo.

Mapapapikit si Rica.

Marian: Hanggang sa dulo, yan pa rin ang pinaniniwalaan mo.

Tatalikod si Marian. Papalabas na siya sa kwarto ngunit mapapatigil.

Marian: Oo nga pala... Kay Jason yang mga matang suot mo.

Magugulat si Rica. Hahawakan niya ang talukap ng kanyang mga mata, at unti-unting ididilat ulit ang mga ito.

Marian: Aalis na ko. 

Rica: Marian. 

Marian: Ano? 

Rica: Paki bukas naman yung ilaw.

Marian: Bukas na.

Bukas NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon