Hit 26~Number Eleven

6.6K 64 12
                                    

Homing time.

Naikot na ni Nino at ng iba pa nilang mga kaibigan ang buong school pero hindi pa rin nila makita ang hinahanap.

"Wala. Wala rito si ate Mia," nag-aalalang wika ni Nino.

Tiningnan ni Yano nang masama ang driver ni Mia. "Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya?"

"Ang sabi niya po kasi bumalik na lang ako bago mananghalian. Pagbalik ko naman wala na po siya."

"Huwag na muna tayong mataranta. Hanapin na lang uli natin si Mia," suhesyon ni Rina.

"Baka naman nakauwi na siya. Nakatawag ka na ba sa inyo?" tanong naman ni Ivan kay Yano.

Tumango si Yano. Kanina pa raw tumawag sa kanila at wala pa nga raw ito.

"Sige, hahanapin ko uli siya," sabi ni Nino.

"Sasamahan kita," sabi naman ni Cashmere.

Paalis na sila nang biglang tumunog ang phone ni Yano. May tawag ito galing sa bahay nila.

"Nandiyan na ba si Mia?" tanong agad ni Yano. "Ah. Sige. Pupunta na ko riyan."

"Boss! Ano? Nakita na ba nila si ate Mia?" tanong agad ni Nino.

Tumango si Yano.

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Nino.

Ganoon din naman si Cashmere at iba pa.

Ngunit nawala rin ang mga ngiti nila nang mapansin ang di kaaya-ayang reaksyon ni Yano.

"Bakit? anong nangyari?" tanong ni RJ.

Matagal, pero sumagot din naman si Yano. "Tumawag daw ang hospital sa bahay. Naandon daw si Mia."

Kulang na lang ay himatayin si Nino nang dahil sa narinig.

Agad naman silang nagpunta sa ospital para alamin ang kalagayan ni Mia.

***

"Nakita ko po siya sa may tulay," kuwento ni Kai, ang lalaking nakakita at nagdala kay Mia sa hospital.

Sina RJ, Rina, Jin at Ivan ang nakausap niya.

"Sinong puwedeng gumawa nito kay Mia? Ang lakas naman ng loob niya para gawin ito sa asawa ng future boss," komento ni Rina.

Walang nakasagot sa tanong niya.

Naghihintay sa labas ng operating room ang buong pamilya at mga kaibigan ni Mia.

Ang lahat ay nakaupo sa bench na naroon maliban kina Yuki at Yano.

Tahimik na nakatayo sa isang sulok si Yuki habang si Yano ay hindi mapakali. Pabalik balik ito ng lakad.

Napapahawak naman ang tatay nina Mia sa noo, habang ang nanay nila ay umiiyaknang malakas.

Hinagod na lamang ni Nino ang likod nito para kahit papaano ay maibsan ang bigat sa dibdib. "Huwag po kayong mag-alala, nanay. Siguradong magiging okey lang si ate," pag-alo ni Nino.

Katulad niya ay umaasa rin ang iba na ayos lang si Mia.

Pagkalipas ng ilang mga sandali, sa wakas ay lumabas na rin ang doktor.

"Doc, kumusta na si Mia!" tanong ng lahat.

Si Yuki lang ang walang reaksyon.

"Ligtas na siya," sagot ng doktor.

Nabuhayan ang lahat ng loob.

"Ang baby namin? Ayos din ba siya?" dagdag na tanong ni Yano.

Natahimik ang doktor.

Kizuna: The Bond Between usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon