Love you bes!
Chapter 1
He was my lover. He used to be mine. We've been together since college. I love him so much and I he love me too. But I guess our destiny is to separate. I remember the day we said goodbye...It was Christmas of 2008.
“Merry Christmas, Honey! I love you! ~” Then I kissed him and I gave him my gift.
“Four, I love you but I'm breaking up with you” Nagulat ako sa mga sinabi niya. Ang mukha niya ay hindi papinta. Pinipigilan niya na tumulo ang kanyang mga luha.
“Bakit? What did I do wrong?” Ayan lang ang nasabi ko. Pakiramdam ko lahat ng ito ay panaginip lang.
“It's not you, It's me. I -” Fvck! Ano 'to lokohan?
“Paksyet naman Calix! Gasgas na ang palusot na yan , e.”Ang sakit na ng dibdib ko. Hindi ko kayang mawala siya.
“Patapusin mo muna ako, please lang?” Then keep my mouth shut. “Remember the night before our 7th Anniversary?" I nod. “I told Alyssa to-”
“Alyssa Ferolina?” Si Alyssa ang aking bestfriend. Sabi nila para daw kami kambal. Magkamukha daw kasi kami at magkaparehas ng pustura ng aming katawan. Narinig ko siyang napabuntong hininga.
“Okay! Continue.”
“Sinabi ko sa kanya na sabihin sa'yo na magkita tayo sa Intercontinental Hotel because I was planning to propose to you. I told her to get you ready before 10pm and let you wait at my room.” Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Everything is ready... The flowers, ring, table and even my iPod are all set. I called Alyssa and ask her If your ready and she said yes. Sa sobrang kaba ko tinext ko si Alyssa na bigayan ako ng wine.” He laughed. “Nung nakita ko siya binigay niya sa akin yung wine at ininom ko agad iyon. Narinig ko nalamang si Alyssa na sinabing ‘Calix, 7 na’ ”
“Pagpasok ko sa kwarto, nakita kita. Ginawa ko lahat ng plinano ko. I proposed. Lumuhod pa nga ako sa harapan mo, e. Tapos nung sinabi mong ‘Oo’... sobrang saya ko. Ako na ata ang pinakamasayang tao nung mga oras na 'yun.
Masyado akong masaya sa mga araw na iyon. Ikaw ba naman, sang-ayunan ng babaeng mahal mo na magpakasal sa’yo, hindi ka pa ba sasaya ng sobra nun?
Nasa hotel room na tayo noon. Doon kita dinala pagkatapos kong magpropose sayo. Nakaupo ka sa may kama. Nanonood ka ng isang international TV show.
Nakaupo ako sa katapat na couch, pinapanood ka. Napakaganda talaga mong tignan.
Nilapitan kita at naupo sa tabi mo. Pinaikot ko ang mga kamay ko sa baywang mo. Hinapit kitang papalapit. Isinandal mo yung ulo mo sa pagitan ng leeg at balikat ko. Niyakap mo ako ng mahigpit.
“Thanks for tonight. Babe”
“No, thank you. Salamat kasi pumayag kang pakasal sa’kin.”
“Of course, babe. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay.”
Hinalikan mo ako sa labi. Smack lang pero kusang gumalaw ang mga labi ko kaya lumalim iyon.
Nahiga kami sa kama. Ikaw yung nasa ibabaw. Pinapaulanan mo ng magagaaang halik ang mukha ko. Nakatitig ako sa mga mata mo. Maganda ka talaga. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto at minahal kita.
Hinapit kitang papalapit. Inangkin ko ulit ang mga labi mo. Mapusok pero banayad. Ingat na ingat ako sa iyo na para bang isa kang mamahaling bato na kapag nabitawan ay agad mababasag.
Gumaganti ka sa bawat galaw ng labi ko. Kasing lalim at kasing pusok ng mga ginagawad ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.
Siguro dahil na rin sa mga nainom kong alak kaya nakaramdam ako ng pag-iinit. Alam kong nababasa mo ang pagnanais sa mga mata ko.
Ipinagpatuloy ko lang ang paghalik sayo nang makita kong hindi siya natakot sa emosyong nasa mga mata ko.
Nilibot ng labi ko ang bawat parte ng kanyang mukha. Sa noo, sa ilong, sa pisngi, sa tenga, sa leeg. Lahat ng iyon, minarkahan ko ng mga halik ko. Maging ang mga kamay ko ay naglakbay na rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan mo.
Things went a notch higher. Nagsimula akong tanggalin ang saplot mo sa katawan. Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang hindi mo pinigilan. Ginusto ko ito at alam kong ginusto mo rin mangyari ito sa pagitan namin.
Bumalik sa mga labi mo ang mga labi ko. Pareho nang ginupo ng apoy ang mga katawan natin. Pareho na nating nakalimutan ang mundo. Tanging ang mga sarili lang naming ang mahalaga.
Ako at ikaw lang.
Ang gabing iyon ang isa sa mga pinakamasasayang araw ng buhay ko. Pumayag ka na magpakasal sa akin. Sa araw ding iyon, ipinagkaloob niya ang sarili niya sa akin.
Nang araw na iyon, naging isa kami.”
“Nauguluhan ako sa mga sinasabi mo! ” Hindi na tumitigil ang pagtulo ng aking luha at hindi ko na alam ang dapat kong isipin. Ang alam ko lang hindi ako ang babaeng sinasabi ni Calix.
“Tama ka! Hindi nga ikaw iyon sapagkat si Alyssa ang babaeng aking nakasiping. Patawarin mo ako. Akala ko ikaw ang kasama ko. Madilim na iyon at nakainom na ako. Hindi ko alam kung paano pero.. Patawad” Napayuko siya.
“Pero bakit? Bakit ngayon mo lang yan sinasabi sa akin?”
“E, hindi ko naman..”
“Ano?” Pasigaw kong nasabi.
“Buntis si Alyssa at ako ang ama.” Buntis? Nanghina ako at hindi ko na kaya ang mga bagay bagay na naririnig ko kaya umalis na ako.
Hindi ko na muling nakita si Calix simula sa mga araw na iyon.
“Four, Okay ka lang ba? Tahan ka na”
“Krizza, diba ngayon ang kasal nila?”
“Oo, Ano ang balak mo? Don't tell me na sisigaw ka doon ng ‘itigil ang kasal’”
“Gaga! Hindi. Gusto ko lang pumunta at manood”
“Wag na, Four”
“Bakit?”
“Mamaya ka nalang pumunta sa bahay nila Calix. Balita ko wala silang honeymoon kung gusto mo siyang makita doon ka nalang pumunta.” Ano naman ang sasabihin ko?


