Royalty Zero One. 01

186 5 2
                                    

CHAPTER ONE.

Sinuntok ko sa mukha yung lalaki. Nahulog sa sahig.

Puro pasa, kasama yung mga kaibigan niya.

Aba, kala nila sakin? Bastusin daw kami habang naglalakad.

Hindi ko yun papalampasin!

"Ayos ka lang Casey?" tanong sakin ni Aemee. Yung isang bestfriend ko.

Tatlo kasi yung best friends ko e. Si Aemee, si Gabriella, Ella for short; at si Prian.

Actually, nakipag sapakan ulit ako ngayon e.

Medyo tinamaan yung mukha ko, pero lumingon ako nang nakangiti.

"Oo naman! Ako paaaaa.."  I replied, tapos tumingin ako sa tatlong lalaking bastos.

"Ano? Uulit pa kayo?" tanong ko.

"B-Babae ka ba talaga..?" tanong nung isa.

"Obvious ba?" I said. "Ano?! Uulit pa ba kayo?!" tanong ko sa kanila.

"Uy, Casey. Wag mong dibdibin yan." Singit ni Ella.

"E mga epal kasi e!" I answered tapos kunwari sasapakin ko sila. "ANO?! UULIT PA BA?!"

"Hindi na po.. Hindi na.."

"Yun pala e." Sabi ko. "Tara na nga, makaalis na.

Wala namang mga kwenta tong mga to e. Kalalaking tao, mga lampa naman!"

At rumampa kami paalis.

Hey guys, baka naman akala niyo e Tomboy ako?

Hinde noh!

Babaeng babae to. Name ko pa lang babaeng babae na e. 'Casey' .. o di ba ganda?

Sadyang mainit ang dugo ko sa mga kalalakihang di marunong rumespeto sa babae.

--..--..--..--..

Dahan dahan akong pumasok sa bahay, kasi pag nahuli ako ni Mama, lagot ako.

I walked slowly. Ayan na.. Malapit na..

Kaso..

Dumating yung alaga ko. Si Lala! Ayun, tumahol!

"Casey?! Nandyan ka na?"

Lumabas siya mula sa kitchen.

"O-Opo.."

"Naku naman.. Nakipag away ka nanaman?!"

"E kasi Mama may mga bastos e! E kung di ko sila inaway e di hindi sila mag titino?" I complained.

"E paano kung balikan ka ng mga yun? Ha?"

"Don't worry Ma, black belter ata ito."

"Walang magagawa yang sinasabi mo kung isandaang tao ang babalik sayo para gulpihin ka!"

She stared at me.

Ano ba naman to.. Parang ako pa yung mali!

"E Ma.. Prinoprotektahan ko lang naman yung friends ko e-"

"Pero kahit na! Babae ka pa rin!" She yelled. "Ano? Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Opo.."

I said tapos nagmano at umakyat pataas sa room ko.

Sumunod naman sakin yung pahamak na si Lala.

"Kainis naman o.."

Sabi ko habang nagpapalit ng damit.

He's My Prince And I'm His Princess!Where stories live. Discover now