Repleksiyon (COMPLETE)

spinner.gif

OCHO.

''BABAE sa salamin? Nagpapakita sa repleksiyon? Ano bang kalokohan ang pinagsasabi mo Owen!'', sabi ni Bella.

Puro may takip na tela ang salamin sa loob ng kwarto ni Owen. Maging ang mga mababasaging bagay ay nakalagay sa isang malaking kahon.

Isinubsob ni Owen ang mukha sa sariling mga palad.

''T-totoo. Nung una malayo pa siya pero habang tumatagal..Papalapit na siya sa akin!'', takot na saad ni Owen.

''Your'e crazy Owen!'', natatawa pang turan ni Bella sabay tayo. Tinungo nito ang malaking salamin sa harap ni Owen at tinanggal ang telang nakatakip doon.

Biglang nag-histerikal si Owen nang makita ang repleksyon niya sa salamin.

Ilang dipa na lamang ang layo sa kanya ng babae!

''Alisin niyo ang salamin! Andyan na ang babae! Papatayin niya ako!'', tila baliw na sigaw ni Owen.

Nataranta sina Jonas sa inasal ng kanilang kaibigan. Tinignan nila ang salamin at wala naman silang nakikitang kakaiba doon.

Tumigil lang sa pagwawala si Owen nang muling ibalik ni Bella ang telang nakatakip sa salamin.

''Mukhang may nakikita si Owen sa salamin na di natin nakikita..'', ani Jonas kay Bella.

''Si Ezana?'', unti-unti na ring nakakaramdam ng takot si Bella nang mga oras na iyon.

Nakaramdam sila ng awa kay Owen. Nanginginig kasi ito at takot na takot.

''Kailangang matigil na ito..Baka iniisa-isa na tayo ni Ezana.'', seryosong turan ni Jonas.

''P-pero papano natin siya mapapatigil?'', tanong ni Bella.

Nag-isip sandali si Jonas.

''Meron akong kilalang magaling na ispiritista, sa kanya tayo hihingi ng tulong!''

Agad na umalis sina Jonas at Bella. Binilinan nila si Owen na umiwas sa mga bagay na may repleksyon.

Madaling narating nina Jonas ang bahay ng ispiritista.

''SOJU, kailangan namin ang tulong mo..'', ani Jonas sa ispiritista.

''Anong tulong Jonas?'', si Soju ay isang modernong ispiritista.

Isinalaysay nina Jonas ang lahat. Simula nang pagpunta nila sa Africa, sa pagkamatay ni Tommy hanggang sa pagpapakita kay Owen ng babae sa repleksyon..

Comments & Reviews (32)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended