Previous Page of 3Next Page

Ang Ama Teoryang Realismo (Singapore) Salin ni M. R. Avena

spinner.gif

Ang Ama

(Maikling Kwento)

MAGKAHALO LAGI ANG takot at pananabik kapag hinihintay ng

mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na

suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw na

labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y iniuuwi ng ama –

malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo,

para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay

napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay

naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa

mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte

ang lahat – kahit ito’y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga

pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni

katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. And dalawang pinakamatanda ay isang

lalaki, dose anyos at isang babae, onse anyos; matatapang ang mga ito

kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay

kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May

dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso

anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na

naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa

sila ng ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito para sa

kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado at masaya nilang

pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila’y

masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo’y hindi

na nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya’y ipinapalagay ng mga

batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng

kanilang ina. Sa kabila niyo’y umaasa pa rin sila at kung gising pa sila sa

pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung

may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung umuwi

itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang

mga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawin nila ay

makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na

dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang

ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing

tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga,

kaya’t mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na

katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata

mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos

na pagtawa, at malakas na bulalas at pag-ungol mula sa kanilang ama, at

sila’y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa

dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila’y si

Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay

madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi ito at mahilig

magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-

iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayung paulit-ulit siyang

pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang

halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang

siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng

paghiga sa banig kasama ng ibang mga bata, na di makatulog. Walang

pasensya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas

siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;

pero sa gabing naroon ang ama, napaliligiran ng bote ng beer na nakaupo

Previous Page of 3Next Page

Comments & Reviews (193)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended