Epilogue

205K 6.2K 482
                                    

XYRA

A year passed and everything's back to normal. Naging normal college na rin ang Wonderland Magical Academy. The word "Magical" had been removed from the academy's name so it's now called Wonderland Academy. They're now offering different courses unlike the ones offered before.

First day of school. Business Administration ang kinuha naming kurso ni Clauss at fourth year na kami. Samantala, sina Xavier at Claudette ay kumuha ng kursong HRM.

Si Akira naman ay Architecture, kaya tiyak na matatagalan pa bago siya makatapos. Alam kong gusto niyang makalimot kaya niya ito ginagawa. Napansin ko sina Felicity at Troy ay tila may pinagtatalunan sa labas ng room. Business Administration din ang dalawa pero third year pa lang sila. Pasaway si Troy dahil sinundan talaga niya si Felicity. Sinadya niyang ibagsak ang exam para maging third year muli. Napailing ako dahil para silang aso't pusa.

Katulad ng dati ay nakatambay na naman si Clauss sa puno na madalas niyang tambayan noon. Sakto naman na katapat lamang 'yon ng room namin. Binuksan ko ang sliding window para tawagin si Clauss dahil malapit nang dumating ang professor namin.

Napangiti ako nang mapansin ko na nagbabasa siya ng libro. Ipinahiram ko kasi sa kanya ang dati kong libro tungkol sa Business Management dahil kailangan niyang makapasa sa exam na ibibigay ni Bryan. Isa kasi 'yon sa kondisyon para hindi na niya kailangan pang kumuha ng mga subjects na para sa first year at second year. May ilang subjects na siyang naipasa kaya hanga na talaga ako sa katalinuhan niya.

"Clauss, malapit nang magsimula ang klase. Pumasok ka na sa room!" sigaw ko sa kanya. Napalingon siya sa 'kin sabay sara ng libro na binabasa niya.

"Yeah, sure," sagot niya. Nagulat ako nang tumayo siya sa sanga at biglang tumalon sa bintana. Napailing ako sa ginawa niya. Kinunutan ko siya ng noo nang umupo pa siya sa may bintana.

"Baliw ka ba? Paano kung nahulog ka kanina? Don't recklessly jump like that next time," naaasar na sermon ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin. Nabigla ako nang bigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nakakahiya dahil pakiramdam ko, maraming nakakita na mga kaklase namin.

"B-Bakit ka n-nanghahalik b-bigla?" nauutal na tanong ko sa kanya.

"I'm just marking my territory," he smirked. Nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Hindi ko kasi siya naintindihan.

"You still don't notice but there are guys who are looking at you, admiringly. It's irritating. They must know that you're mine. Only mine," seryosong wika niya sa 'kin.

Nagulat ako nang nagbabanta siyang sumigaw sa buong klase. "Sa mga lalaking nagbabalak na lapitan ang girlfriend ko, huwag niyo nang subukan pa dahil ako ang makakalaban niyo. Naiintindihan niyo ba?"

Napalingon ako sa mga kaklase ko pero natatakot silang nag-iwas ng tingin sa 'kin. Napakamot ako sa ulo at naiinis na binatukan si Clauss. Napalabi siya at napahimas sa ulo. Hindi bagay sa kanya ang magpaawa.

"Huwag ka ngang manakot. Bawiin mo ang sinabi mo para hindi sila matakot sa 'yo," naaasar na utos ko sa kanya. Umalis siya sa pagkakaupo sa bintana.

"Hayaan mo sila. Umupo na tayo," sabi niya sabay hila sa 'kin patungo sa upuan. Nauna siyang umupo pero nagulat ako nang hilahin niya ako palapit sa kanya kaya bigla akong napaupo sa kandungan niya. Namula ang mukha ko at akmang tatayo na nang biglang may narinig akong malakas na sigaw mula sa unahan kaya napalingon ako.

"Unang araw pa lang ng klase, gumagawa na agad kayo ng kalokohan! Ang mga kabataan nga naman, walang mga disiplina!" sigaw ng matandang babaeng professor namin. "The two of you, come here! I need to punish you!"

Wonderland Magical Academy: Touch of Fire (Cloak PopFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon