Chapter Thirteen: The Diversion

225K 2.1K 90
                                    


Alex's POV

"Just be still Fredrick," I scorned at him when he stiffened at my touch knowing Carmi is around.  I slowly move my hand up and down his spine habang kunwari ay nakadikit ang labi ko sa tenga niya.  

"How can I be still Alex?  Andyan lamang si Carmi," sa piit na tinig ay sabi nito.  Tingin ko nga ay namumutla na.  

I lifted a brow.

Yumuko ako upang kunwari ay magdikit ang labi namin.  "When I came she is eating Gin by her looks, I stole that stare away when I came and look for you my darling."

Napakurap ito.  Napatingin sa labi ko na halos dumikit na sa labi niya.  He swallowed hard.

"If it isn't Carmi, I swear---."

Naputol ang sasabihin nito when suddenly Carmi came to our sides and pulled his face away from me.  Parang gusto kong tumawa ng tumawa.

Ang magnanakaw galit nga sa kapwa magnanakaw.  Umayos ako sa pagkakaupo sa stool and smiled at Carmi.

Naniningkit ng bahagya ang mga mata nito.  Bagamat nakangiti.  Ngiting aso.

"So where is the birthday girl?" I asked as I looked around.  Natigilan ako saglit ng magtama ang mga mata namin ni Gin na nasa di kalayuan ng bar.  Kumunot ang noo ko sa madilim na mukha niya.  

Iniwas ko na ang tingin.  Kanina pa lamang pagbaba ko ng kotse ay siya na agad ang nakita ko at ang---shit and damnation!  Bakit ba kailangan nakahubad ito pagdating ko?!

And---

He is perfect.  Ikaila ko man iyon but he is so perfect.  Ilang beses na ipinilig ko yung ulo ko bago ako naglakad papunta sa kanila trying to ignore this attraction that I am starting to feel.

Attraction?

Nang dahil lamang sa hotness ito ay na a-attract na ako?

Tigilan mo nga kalokohan mo Alexandra!

"She is entertaining some friends inside the house, why don't you greet her first?  I am sure she will be delighted," ani Carmi na hindi naman masyadong halatang tinataboy ako.

I smiled and stood up.

Success.

Nagawa kong ilayo ang mga mata niya kay Gin.

And my mission, ilayo ang presensya ni Gin sa grupo nila ngayong gabi!

The secret will be safe, everything will be okay!

And I could go home and get back to my sleep!

Hindi ako nag diretso sa loob instead I stopped by where he is.  Nakatalikod ito sa pool at nakaupo sa may mini bar.  He is drinking beer.  Goodness I could see some firm muscles of his back.  

"I didn't know you are the newest member of this group," I said a little loud para marinig niya sa kabila ng ingay ng pumapailanlang na musika sa kabuuan ng maluwang na garden ng mansion.

Napalingon ito sa akin.  Umangat ang sulok ng labi nito as he looks me from head to foot.  Parang gusto kong mamula sa nakikita kong paghanga sa mga mata niya when his gaze stays a little longer on my long legs na natatakpan lamang ng maigsing short.  

Ibinalik na uli nito ang tingin sa iniinom.  "And I didn't know you have the courage to flirt with another woman's boyfriend!  At sa harap pa niya," he said sa nanunuyang tono.  Nagsalubong ang kilay ko.

Why the tone?

Naupo ako sa stool na katabi niya at tinawag ang bartender.  I asked for a lemonade.  Napatingin ito sa akin at napangisi.  

Forgotten Memories Book 1 (2013)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon